Guy, hinalikan habang nasa eroplano, Sharon… KC, SWISS-FILIPINO ANG BAGONG DYOWA
ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 25, 2023

In a relationship nga ba ngayon si KC Concepcion?
May nakakita umano sa Mega Daughter nu'ng nagba-vlog si KC titled Palengke Day sa Alabang na mapapanood sa kanyang YouTube Channel na may kasama itong guwapong lalaki.
Isa umano itong Filipino-Swiss guy na nakasama na rin daw ni KC sa Dubai last year of November named Michael Wuethrich.
Isa umanong netizen ang nagbulgar na hindi lang ang pagba-vlog ni KC sa palengke ang mapapansin kundi may isang guy na makikita kung mabilis ang inyong mata.
Kaya kahit napanood na namin ang vlog ni KC the day na ipinost niya ito ay binalikan naming panoorin.
At tama naman ang netizen na habang naglalakad si KC papuntang palengke ay may makikitang mestizo guy sa parking area na nahagip ng camera. At ang description ng source ay tugma sa nasabing guy.
"Isa siyang mestizo na nasa 5'10" ang height, with salt-and-pepper hair."
Hindi kasama sa vlog ang guy, pero nakita raw niya na nandu'n ito habang nagpa-palengke tour si KC.
The source said he was actually at the Ayala Alabang market that day, and he saw the two clearly:
"The guy was beside her all the time, and they looked close."
Napansin din daw niya na habang pabalik na ng sasakyan si KC at ang kanyang Ninang Connie Quirino ay nahagip ng camera ang guy who is wearing white t-shirt habang nag-i-spiel ang mag-ninang.
Sa video, blurred ang face ng guy. A fan account, calling itself Teamkcpj, was quick to notice.
Nag-screenshot ang Teamkcpj ni KC at ng kanyang kasama, then posted these as a collage on IG, with the caption, in all caps: "SINO BA 'YANG NASA LIKOD MO, KC? CAMERAMAN O PHOTOGRAPHER MO?"
Komento ng netizens, "He was the fellow's schoolmate in HS. The man as Steve Michael Wuethrich, is half-Swiss and half-Pinoy."
Ayon pa sa netizen, present din daw ang guy sa birthday dinner ng ina ni KC na si Megastar Sharon Cuneta kung saan ang birthday wish ni Sharon ay hindi para sa kanya kundi para kay KC, "Happiness and all the love in the world for my eldest @kristinaconcepcion."
After ng birthday ni Sharon, makikita namang may posted vlog si KC bago ang Palengke Day vlog.
Ang nakalagay na teaser ay: "Sunday is for relaxing… or maybe pasyal-pasyal, 'di ba? Chill lang tayo. Kaya tara na sa… LUZERN, SWITZERLAND! May Swizzy (Swiss) lang din na nagdala sa 'kin dito, haha!"
Samantala, may inilabas ding article ang PEP.ph na diumano'y may source silang isang Pinay na based sa Zurich, Switzerland ang nagparating sa kanila na nakasabay daw niya sina KC at Steve sa Emirates flight papuntang Switzerland nu'ng gabi ng January 22.
Chika pa ng source, nakita niyang hinalikan ni KC sa noo ang guy na nakaupo sa premium economy bago pumunta si KC sa first-class cabin.
Ganern?! Magdyowa na nga kaya ang dalawa?!





Comments