top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

GUWAPONG AKTOR, LOYAL HUSBAND DAW, HULING KA-DATE ANG YOUNG ACTRESS SA THAI RESTO SA MAKATI

BULGAR
Jul 1, 2022
1 min read

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | July 1, 2022


BLIND ITEM:


NAKU, NAKU, NAKU!!!


Parang ilang araw pa lang ang nakararaan nang mabasa namin ang naghuhumiyaw na pahayag ng isang guwapong aktor na loyal husband siya, pero ano itong chikang nakarating sa amin na may ka-date raw siyang byuting young actress sa isang Thai Resto sa Makati kamakailan lang?


Dahil sikat at kilalang pamilyado ang guwapong aktor, nagtaka ang mga staff ng resto kung bakit kasama nitong nag-dine-in ang young actress na anak ng magaling na aktres.


In fairness, hindi naman daw suplado ang guwapong aktor at pumayag na magpa-picture sa staff ng resto.


Pero nang mag-request daw sila na magpa-selfie sa aktor at sa young actress, tumanggi ang una. Ayaw siguro nitong magkaroon ng 'resibo' ang mga Marites sakaling mag-viral ang picture nila na kumakain sa naturang resto.


Well, dahil kilala naming matinong pamilya ang pinanggalingan ng young actress, ayaw naman naming husgahan siya agad.


Baka naman may project silang gagawin ng pamilyadong aktor at umiwas lang silang maintriga kaya tumangging magpa-picture nang magkasama.


Abangan natin kung may pipiyok sa kanila!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page