Guwapo na, yayamanin pa… FRANKIE, INILANTAD NA ANG BF NA SI DANIEL LAUREL
- BULGAR

- Apr 10
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | April 10, 2026

Photo: IG _frankiepangilinan
Nauuso ang soft at hard launch ng mga bagong relasyon ngayon, tila isinabay sa init ng panahon.
Nauna na sina Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala, sinundan nina Will Ashley at Mika Salamanca, nina Dustin Yu at Bianca de Vera, at marami pang iba.
Ang pinaka-latest na nag-hard launch ay si Frankie Pangilinan at ang rumored boyfriend na si Daniel Laurel. Ipinost ni Frankie ang photo nila ni Daniel na may simpleng caption na: “Cheese!”
Magaganda ang mga comments sa post ni Frankie gaya ng “Finally a pic here! Love you, Kaka!” “Beautiful,” “Perfect,” “Cuties,” “Eto na,” “Let’s go,” “OMG hard launch,” at “Sino s’ya? Guwapo!”
Comment ni Rocio Tambunting, “The best matchmaking I’ve ever done,” kaya nalamang siya ang matchmaker nina Frankie at Daniel.
Una pa lang nabalita ang tungkol kina Frankie at Daniel, marami na ang pabor sa
kanilang dalawa. Pareho raw sosyal at yayamanin, at bagay sila.
May shippers na agad ang dalawa at ang request nila kay Frankie ay more ayuda para may update sila.
At speaking of Frankie Pangilinan, nag-guest siya sa Family Feud (FF) at nanalo ang team nilang magpipinsan kasama si Myke Salomon, dyowa ng cousin niyang si Gab Pangilinan.
Jackpot bilang endorser ng electric car…
ALDEN, SUNUD-SUNOD ANG ENDORSEMENTS, INUUTANGAN NA SA DAMI NG PERA
BINIBIRO ng kanyang mga fans si Alden Richards, pautang daw.
Dahil ito sa sunud-sunod niyang endorsements at ibig sabihin, marami siyang pera.
Isa nga sa mga latest endorsements niya ay ang BYD, isang electric car brand. Kasama niyang ambassador sina Nico Bolzico at Wil Dasovich.
Right timing daw ang pagiging endorser ni Alden ng BYD cars dahil marami ang bumibili ng electric cars ngayon bunsod ng napakataas na presyo ng langis.
Nabalita pa nga na nakapila ang bumibili ng BYD cars, kaya suwerte nina Alden, Will at Nico dahil dito, siguradong may bonus ang tatlo.
Maaalalang ang BYD ang sponsor sa pagsali ni Alden sa Ironman na ginanap sa Davao last month. Dahil sa magandang resulta sa Ironman, tuloy ang pagsali ni Alden sa triathlon next year.
“Gusto ko ituloy ang pagsali sa triathlon, sayang ang momentum. Next year, full triathlon ang sasalihan ko at paghahandaan natin ‘yun,” sabi ni Alden.
Samantala, after mag-host ng Stars On The Floor (SOTF), balik-acting si Alden via a medical series na Code Gray (CG). Doctor ang magiging role ng aktor sa series at aminado itong kailangan niya ng matinding paghahanda sa gagampanang role. First time niyang gaganap na doctor, kaya kailangan ng masusing pag-aaral.
TEAM-UP uli nina Dennis Trillo at Director Zig Dulay ang entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Nag-meeting na ang aktor at direktor kasama si Nessa Valdellon ng GMA Pictures, ang scriptwriter ng project, at iba pang makakasama sa film project.
Maaalalang sina Dennis at Direk Zig din ang magkasama sa award-winning movie na Green Bones (GB), na entry sa MMFF noong 2024. Hanggang sa ibang bansa, nanalo ng award si Dennis, si Direk Zig, pati ang pelikula.
Kaya sa nagtanong kung bakit si Dennis na naman ang napili ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na magbida sa film project, ang husay ng aktor at ang mga awards na napanalunan ang sagot.
Wala pang title ang movie at wala pang detalye, pero excited na ang mga fans. Nangako na silang susuportahan at panonoorin ang Dennis Trillo-Direk Zig Dulay project. Waiting sila sa iba pang cast at kung ano’ng story ang ibibigay ng mga producers.





Comments