top of page

Gustong sexy sa pagrampa sa Cannes Filmfest… SYLVIA, PUMAYAT NG 24 LBS. SA ISANG BUWAN LANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 11, 2025
  • 4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 11, 20255



Photo: Sylvia Sanchez via Janiz Navida

 

Ang laki ng ipinayat at mas bumatang tingnan ang aktres at Nathan Studios producer na si Sylvia Sanchez nang humarap sa ilang entertainment press sa mediacon ng Japanese film na Renoir na collaboration nila ng Daluyong Studios sa pangunguna ni Mr. Alemberg Ang.


Proud na proud ngang ipinakita sa amin ni Sylvia kung gaano na kaluwang sa kanya ang dati niyang pants na puwede nang ipasok ang tatlong kamay.


Aniya, for one month, pumayat siya ng 24 lbs. at walang operasyon ‘yun, ha?

Tanging gamot lang daw na ibinigay sa kanya ni Dr. Roland Angeles ang nakatulong sa kanyang weight loss.


Wala naman daw side effects sa kanya ang gamot, ‘yun lang, mainit ang ulo niya ‘pag gutom siya, hahaha!


Pero ang naging motivation talaga ni Ibyang (palayaw niya) para magpapayat ay nang malaman niyang nakapasok sa main competition ng Cannes Filmfest 2025 ang Renoir, kung saan bilang co-producers ay kailangan nga nilang rumampa sa red carpet na ginanap sa France.


Sa ngayon, gusto pa raw magpapayat nang konti ni Sylvia at wait natin, baka may kaagaw na sa trono si Megastar Sharon Cuneta sa pagiging slim and sexy!


Bidaman finalist, todo-pakiusap na pakawalan na ng kumokontrol sa kanya… MIKO GALLARDO, UMAMING NA-RAPE, NAG-DRUGS AT GUSTO NANG MAGPAKAMATAY


Hindi kami masyadong pamilyar sa naging finalist sa BidaMan ng It’s Showtime nu’ng 2009 na si Miko Gallardo, na ngayon ay trending sa socmed matapos mag-viral ang video ng kanyang pag-amin na siya ay biktima ng sexual abuse, rape, blackmail at extortion.

Pero dahil very alarming nga ang kanyang mga ibinulgar, nakuha niya ang pansin namin at pinanood namin ang kanyang video na may title na “My Final Message”.

Ni-research namin ang mga nagawa nang projects ni Miko sa showbiz at nalaman naming commercial model din pala siya ng isang fastfood chain.

At bilang aktor, naging parte na siya ng mga seryeng La Luna Sangre, My Day, House Rules at naging bida naman sa mga digital BL (boy’s love) series na My Story bilang si Sky, at sa The Boyfriend Express.

Panimulang rebelasyon ni Miko sa kanyang video, “I simply just want things to end. For the past ten years, a whole decade of my life, I have been blackmailed and extorted and I just want it to end. I'm sending this message out to the person, you know who you are, I will not be dropping any names.”

Mabigat daw ang pinagdaraanan ni Miko at ang gusto lang niya ay “freedom” mula sa isang diumano’y “big name” sa showbiz na hindi naman niya pinangalanan.

“Ten years of this blackmail and threats and extortion, I am done. I will do whatever you want me to do for things to end. You want me to end my relationship? I will do it. You want me to pay you back? I will do it. You want whatever, whatever your reason is, whatever your wants are, I will, I will give it. I will do it. Because I'm done and I'm tired,” pahayag ng aktor.

Pagod na raw siya kaya ang gusto lang naman niya ngayon ay katahimikan at makauwi na dahil miss na miss na niya ang kanyang lola.

Matapos nito, ikinuwento ni Miko ang mapait na karanasan nu’ng bata pa siya kung saan sa edad na walo ay na-rape diumano siya ng dalawang mas matanda sa kanyang babae na itinuring pa naman niyang mga ate.

Bukod d’yan, muntik din daw siyang ma-rape ng older men.

“I was also almost r***d by older men when I was around the same age. But the only reason why they didn't go through with it was because they almost got caught. But I did not speak up. I was a scared little boy who never talks. But this time, I'll say it all. I don't care,” sabi pa ni Miko na may vindication sa kanyang pagsasalita.

Ini-reveal din niya na at 10 yrs. old hanggang nu’ng mag-16 or 17 siya, nagkaroon naman siya ng karelasyong napakalayo ng agwat ng edad sa kanya.

At nu’ng pumasok na nga siya sa showbiz, dito na niya naranasan ang sexual assault mula sa mga big names in the industry, na dahil sa takot na walang mangyari sa kanyang career, hindi niya magawang magsalita at lumaban.

Ito raw ang nagtulak sa kanya para matutong uminom at gumamit ng drugs.

At bago magtapos ang kanyang video, muling nakiusap si Miko sa tinutukoy niyang ‘big name’ na kumokontrol daw sa kanya.

“Alright, I'm here now though. I'm still alive, I'm still kicking, begging for my life back from that person who has control over me right now. You know what I've been through. You know the s*** that I had to crawl my a** out of. So let's make a deal. Let's end things peacefully. Give me a chance to live again,” dagdag niya.

Pero kung sakali raw na hindi pa rin siya pakawalan ng nasabing ‘big name’, baka raw umabot na siya sa pagpapakamatay.

Samantala, naglabas na ng official statement ang talent agency ni Miko na Onix Films at nangako silang gagawan ng aksiyon ang napakaseryosong bagay na ibinulgar ni Miko sa mga naranasan niya sa showbiz.

Makikipag-ugnayan din daw sila sa mga authorities para mabigyang-pansin ang mga ibinulgar ni Miko Gallardo.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page