Gustong pumayat, hirap makawala… AMY, 6 NA TAONG NAG-SHABU
- BULGAR

- 18 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 22, 2026

Photo: IG _amyaustria_ventura
Hindi ikinakaila ng veteran actress na si Amy Austria na dumating din siya sa puntong nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot.
Sa kanyang panayam sa The Daily Dish (TDD) ng Bilyonaryo News Channel (BNC), nag-open-up ang aktres at binalikan ang madilim na bahaging iyon ng kanyang buhay.
Kuwento ni Amy, gusto lang daw niyang magpapayat noon kaya sinubukan niya ang shabu.
“Nu’ng una, parang ‘Ay, wala naman,’ okay lang s’ya, ‘Ah, puwede mo naman s’yang itrabaho.’
“Pero little by little, ‘di mo alam na hahanap-hanapin mo na s’ya. Tapos, ‘pag ayaw mo na, tulog ka nang tulog, kain ka na nang kain, tumataba ka na, ‘di ka na maka-banyo, ang sakit na ng ulo mo sa ‘kakatulog,” kuwento niya.
At kahit gusto raw niyang tumigil na ay hindi niya magawa dahil hindi na rin siya makakilos kung wala ito.
“Hanggang sa dumating sa point na almost one year in-out, in-out, in-out. Sabi ko, ayoko na. Papaano ‘to?
“Pero maski ayaw mo na, dahil nga ‘yung katawan mo, ‘di ka na makakilos, wala ka nang magawa, sige na, bibili ka na naman.
“And then, pagkabili mo, ‘yan, magagawa mo na naman, malilinis mo na ulit ang bahay, magagawa mo na lahat ng dapat mong gawin, makakapag-banyo ka na,” pagtatapat niya.
Inabot din daw ng anim na taon ang pakikipaglaban niya sa drug addiction.
Hanggang sa inimbita raw siya ng kaibigang aktor na si Christopher de Leon sa isang retreat.
“Nu’ng in-invite ako ni Christopher de Leon na um-attend ng Oasis of Love, du’n sa retreat nila, sumama ako. This time, sabi ko, ‘Lord,’ kinausap ko s‘ya, ‘Sa ‘Yo na ‘to. Alam mo naman na six years ko nang gustong tanggalin ‘to. ‘Di ko kaya,’” saad niya.
Thankfully, nalampasan na ni Amy ang panahong iyon at ang journey niyang ito ay tiyak na magsisilbi ring inspirasyon sa ating mga kabataan, lalo na nga sa mga batang artista ngayon.
Nag-throwback sa pinagsamahan nila…
MANILYN, NAG-ARTISTA DAHIL SA IDOL NA SI JULIE VEGA
MAY emotional major throwback si Manilyn Reynes sa kanyang social media account nitong Huwebes.
Sa Instagram (IG), ibinahagi ng aktres-singer ang old photo niya kasama ang yumaong child actress na si Julie Vega.
Makikita sa larawan na pareho pa silang mga bata ni Julie, whom she revealed na idol niya.
“With Ate Pearl, Ms. Julie Vega…” simula ng caption ni Mane.
Ikinuwento niyang noong hindi pa siya artista ay lagi niyang pinapanood ang Anna Liza (AL), ang sikat na soap opera na pinagbidahan ni Julie.
“Ang dahilan ng panonood ko ng Anna Liza sa @gmanetwork bago ako napunta sa Manila. Tuwing umiiyak s’ya sa scene, I would cry too,” aniya.
Kaya naman pinangarap daw niya na maging artista at makasama si Julie, na nagkatotoo naman.
“One day, while watching (and crying, hihi), sabi sa ‘kin nila Daddy at Mama, ‘Hala, nganong hilak man ka? Artista ka? (Hala, ba’t umiiyak ka? Artista ka ba?)’
“Sagot ko: ‘Usa ka adlaw makit-an ko ninyo dinha (Isang araw makikita n’yo ako r’yan (referring to the TV, and the show Anna Liza).’
“And true enough, naging part nga ako ng show ~ as DODIT, the niece of Greg (Tito Robert Arevalo) and Elvie (Tita Marissa Delgado),” pagre-recall ni Mane.
Isa pang dream niya na natupad ay nakasama rin daw niya si Julie sa debut film niya.
“At nagkasama pa kami sa first movie kong To Mama With Love, at Dear Mama. Dreams do come true po talaga,” saad ng aktres-singer.
Matatandaang pumanaw si Julie noong May 6, 1985 at the young age of 16 at sa kasagsagan ng kanyang kasikatan. Her cause of death was cardiac arrest secondary to bronchopneumonia, following a battle with the rare autoimmune disease.





Comments