Gustong mas magaling pa… NADINE, AYAW MANAHIN ANG TRONO NI KRIS
- BULGAR
- Jan 14, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 14, 2023

Sa ginanap na victory party para sa pelikulang Deleter na humakot ng awards at box office hit sa MMFF 2022, nagbigay ng pahayag si Nadine Lustre na ayaw niyang ma-typecast bilang "Horror Queen". Gusto niyang gumanap sa iba't ibang challenging roles at mahasa pa nang husto sa drama.
Malaking pressure rin para sa kanya ang pagkakapanalo bilang Best Actress sa MMFF 2022. Alam niya na mas mag-e-expect ang publiko kung ano pa ang puwede niyang gawin at ipakita.
Kahit marami ang nagsasabing naagaw na niya ang korona kay Kris Aquino bilang Horror Queen, mas gusto niyang makaganap sa character na tipong out of the box at kakaiba.
Kuwento pa ni Nadine Lustre, muntik na siyang mag-quit noon sa showbiz. Masyado siyang napagod at nawalan ng ganang umarte dahil parang routine na lang ang kanyang ginagawa.
Mabuti na lamang at napigilan siya ng mga taong nagmamalasakit sa kanyang career at napunta siya sa pangangalaga ng Viva Artists Agency.
Ngayon ay passionate na raw siyang umarte. At excited na siya sa susunod na projects na gagawin niya sa Viva Films. May movie siyang naka-line-up at gagawa rin siya ng serye.
Ramdam na ramdam ni Nadine Lustre na suwerte sa kanya ang taong 2023.





Comments