Gustong magkaanak pero… MARKKI, NAWALAN NA NG GANA SA BABAE
- BULGAR
- Feb 17, 2022
- 3 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | February 17, 2022

Loaded ng activities si Markki Stroem last Valentine’s Day kaya wala siyang time para mag-senti kahit walang ka-date last February 14. Instead, na-celebrate siya ng Valentine’s Day with his sibling.
Inamin ni Markki na wala siyang karelasyon ngayon nu’ng makausap namin siya pagkatapos ng press preview para sa last episode ng successful BL series nila titled Love at the End of the World last Tuesday.
“I don’t believe in relationship. I stop believing in relationship,” lahad ni Markki. “Uh, I don’t know. Nawala ‘yung interest ko for love. Nag-focus muna ako sa sarili ko, sa work, sa family.
And then, kapag nakaipon na ako ng money, ‘yun, I’ll send my kids to college or high school kung may pera na ako for that.”
Four years na raw siyang walang karelasyon. But looking forward pa rin naman siya to have a family of his own.
“Yeah, I wanna have kids. I wanna send them to my high school. Nag-IS ako, International School, ‘yan ang goals ko. Saka, hindi lang ipon for my side. I mean, hindi naman mahirap ang family ko. They’re very well, pero I don’t want to rely on my parents kapag nagkaroon ako ng anak,” pahayag niya.
Pero ‘di matiyak ni Markki if he’ll end up in a family sa traditional setup na may misis siya and all that. It depends daw ‘yun kung kanino siya mai-in love and spend the rest of his life with — puwedeng boy, puwedeng girl.
“Yeah, I want kids. I’m not closing doors. I mean, if I fall in love with someone, fall in love with someone. Pero ngayon, wala akong believe system sa love. I’m very close to asexuality kasi. Wala akong sex drive. Katulad ng mga komedyante na nakakatawa sa screen pero pagkatapos, ‘di ba?
“Ako, sexy sa screen, but as a person, hindi ako sexuality driven. Hindi ako interested sa sex. Minsan, for example, nagkaroon ng sex moment or whatever, minsan, ina-act ko na lang. Kasi, wala akong sex drive. Boy, girl, wala akong sex drive,” malungkot na sabi ni Markki.
Nagulantang naman ang karamihan sa mga entertainment press sa mapangahas na eksena niya and the rest of the cast ng Love at the End of the World sa opening ng last episode ng series ni Direk Shandi Bacolod.
Bibilib ka rin sa professionalism ng mga bida ni Direk Shandi sa BL series na pumayag na gawin ang napaka-daring na eksenang ginawa nilang lahat, kabilang na si Markki.
Kuwento ni Markki, “Uh, I guess, part ‘yan ng role, eh. So, ginawa ko. Haha! Prepared naman ako kasi. I mean, nagawa ko naman ‘yun sa Unlocked dati, ‘yung isa kong series. Part lang ng role, so kailangan kong gawin. And if it’s part of the story, wala naman akong arte sa ganyan.
“Galing kasi ako sa teatro. We’re super ano, may orgy kami dati sa Hair, The Musical. So, I mean, depende sa role. ‘Pag kailangan, gagawin at ‘pag love ko.
“Marami ring nagtatanong sa akin na mga taga-industry kung bakit, ‘Markki, ba’t parang nag-iiba ang personality mo every single time?’
“Well, like ngayon, for example, may pinaghahandaan akong bagong movie, I think, mainstream, ‘di ko pa puwedeng sabihin, pero straight ‘yung character ko rito. Kontrabida ang role ko. That’s why lumaki ‘yung katawan ko. The last time na nagkita tayo, drag queen naman ‘yung karakter ko. So, payat, medyo flamboyant, medyo feminine. For this, iba naman. So, depende sa ginagawa ko, at the time.”
Nasa audience na raw nila ang choice kung magugustuhan o hindi ang mga eksena sa last episode ng Love at the End… na mapapanood ngayon sa Gagaoolala streaming platform.
“Kung magustuhan nila, go. Kung hindi, okey lang din. It’s really up to the audience. At the end of the day, wala na akong paki,” natatawang sabi ni Markki.
Basta ginawa raw ni Markki ang part niya sa series.
Wala rin daw ilangang nangyari among his co-actors sa kanilang BL series.
“I do all the same thing dahil I have to, saka artists din sila and mga friends ko rin sila, eh.
'Yan din ang rule ko sa work, walang sikat dito. Gawin nating lahat ang trabaho natin para maganda ‘yung kalabasan. And from what I saw, maganda ‘yung kinalabasan. I’m happy. I’m proud of all the… especially ‘yung new actors, older actors. Ginawa nila ‘yung parts nila. So proud of them,” ngiti ni Markki.
Kasama rin sa Love At The End of the World sina Gold Azeron, Kristof Garcia, Yam Mercado, Rex Lantano, Mike Liwag, Elijah Filamor and Nico Locco.








Comments