top of page
Search
  • BULGAR

Gustong magka-apo na, pero… DENNIS KINA JULIA AT GERALD: ‘WAG MUNANG MAGPAKASAL

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 26, 2024




Muntik nang maluha si Dennis Padilla nang matanong namin sa Q&A sa mediacon ng launching movie ng tambalang Mutya Orquia at Beaver Magtalas na When Magic Hurts tungkol sa relasyon niya sa mga anak. 


Tatay/nanay kasi ang role ni Dennis sa movie at anak niya si Mutya kaya tinanong namin siya kung naka-relate ba siya sa role niya lalo’t may pinagdaraanan siya in real life sa kanyang mga anak.


Inamin naman ni Dennis na may eksena sila ni Mutya kung saan naalala niya ang anak na si Julia Barretto lalo na nang bigyan niya ng payo ang una tungkol sa love life nito.


At ang good news ni Dennis, kinumpirma niyang nag-text nga si Julia nu’ng nakaraang birthday niya at sobrang touched daw siya sa ginawa ng anak.


Gustong isipin ni Dennis na simula na ‘yun para mabuksan ang communication nila ni Julia at ng iba pa niyang anak kay Marjorie Barretto na sina Claudia at Leon.


Aminado si Dennis na maaaring ‘yung problema nila ni Marjorie at hindi pa rin pag-uusap nang maayos hanggang ngayon ay isa sa mga factors kaya masama ang loob sa kanya ng mga anak.


Pero tulad nga ng sinabi ni Dennis noon, ayaw niyang sumuko sa panunuyo sa mga anak kahit pa dumating ‘yung time na mukhang binlock siya ng mga ito sa socmed dahil hindi na raw niya nakikita ang post nina Julia, Claudia at Leon.


Samantala, natanong din ni Tito Gorgy Rula si Dennis tungkol sa posibilidad na ihatid niya ang anak sa altar kapag nagpakasal na ito at ang long-time boyfriend na si Gerald Anderson.


Parang naging emosyonal na naman si Dennis sa pag-aming umaasa siya na maimbitahan sa kasal nina Julia at Gerald.


“Sana maimbitahan ako,” aniya.


Until now pala ay hindi pa sila nakakapag-usap ni Gerald mula nang maging boyfriend ito ni Julia pero sa nakikita naman daw niya sa mga posts ng anak, masaya ito kaya naniniwala siyang seryoso ang aktor kay Julia.


Pero sa chikahan ng press kay Dennis after ng presscon, natanong ito kung pabor ba siya sakaling magpakasal na sina Julia at Gerald at aniya, ‘wag daw muna sana dahil alam niyang marami pang pangarap ang anak na gusto nitong matupad.


Although, mukhang excited naman si Dennis nang matanong tungkol sa pagkakaroon ng apo kay Julia.


Well, sana nga ay magkaayos na ang mag-aama para everybody happy na. 


Sabi nga, life is short at hindi naman siguro magandang kung kelan may mawawala, saka pa lang magkakaroon ng pagpapatawaran, devah?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page