Gusto 'yung pinapatawa siya… KC, AYAW NANG SINASAKAL NG LALAKI
- BULGAR
- Oct 17, 2023
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | October 17, 2023

Ang ganda ng interview ni Isko Moreno kay KC Concepcion sa vlog nitong Iskovery. Ang ganda ng mga tanong ni Isko at maganda rin ang mga sagot ni KC na may kasama pang kuwento. Hindi pa man tapos ang interview, nabanggit na ni KC na marami siyang natutunan sa pag-uusap nila.
Ayon pa kay KC, sa vlog lang ni Isko niya naikuwento na nag-audition siya sa pelikulang Asian Persuasion. Nakapila raw siya para manood ng talk show when her attention was called at pinag-audition. Pinag-host daw siya ng isang segment kasama ang isang American actress.
Ang ending ng story ni KC, “Pinapunta ako sa Disney office" at in-introduce siya sa ABC o American Broadcasting Company. “May mga work ako na hindi nagawa dahil sa pandemic,” banggit ni KC.
Dumating na nga ang Asian Persuasion kung saan na-experience ni KC ang magtrabaho sa America. Napakapropesyonal daw sa America na pati fitting day ay may bayad ang mga artista.
Ang wish ni KC, ma-pick-up ng Hollywood ang movie nila at hindi lang maging indie film.
On the personal level, natanong ni Isko si KC ng "How do you see yourself 10 years from now?"
“Ten years from now, sana, may family na ako. Gusto ko ng happy and healthy family. Gusto ko, close and complete family. Sana, maging close kami ng magiging family ko. Sana, may foundation na ako,” sagot ni KC.
Sa tanong kung ano'ng tipo ng lalaki ang gusto niya, “Ang alam ko ay ang ayaw ko. Ayaw ko ng sinisigawan ako ng lalaki na parang nasasakal ka at ayaw ko ng controlling. What I like is somebody na may good vibes, gusto ko, natatawa ako, hindi naman joker, basta matatawa ako,” pauna ni KC.
Gusto rin ni KC ng guy na may disiplina, may trabaho at may naa-achieve every day.
“Gusto ko, may confidence at secure sa sarili. Gusto ko, marunong sa romance, pero responsable rin sa buhay,” dagdag niya.
Anyway, mapapanood si KC sa Dear Heart concert ng parents niyang sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta sa SM MOA Arena sa October 27. Nasabi na ni Gabby na part ng show si KC at sure namang may number sila at maging silang tatlo nina Sharon.




Comments