Gusto ring mag-action… ANDREA, GUSTONG MAGING ANNE CURTIS

ni Julie Bonifacio @Winner | August 7, 2026

Photo: IG _blythe & _annecurtissmith
Sobrang nag-enjoy si Andrea Brillantes sa mga action scenes bilang si Chiara sa TV5 drama series na A Secret in Prague (ASIP) with Enrique Gil.
Maituturing na action princess si Andrea ngayon.
Nang tanungin si Andrea kung paano niya ire-rate ang kanyang experience as an action female star sa serye, 10 ang ibinigay niyang score sa sarili.
Paliwanag ni Andrea, “I think it can go to ten if maayos po s’yang mae-execute. It takes proper trainings. If maayos s’yang magagawa. Kasi ang saya po talaga n’yang gawin. At least for me, I personally enjoy it. I hope to do more.”
After niyang mag-shoot sa Prague for 10 days, may naka-schedule pa raw silang trip sa isang European country para mag-taping.
But her lips are sealed daw kung ano ang next country destination nila ni Enrique.
Samantala, ini-reveal din ni Andrea ang kanyang dream role.
“Meron akong gustung-gustong action film simula bata ako, ‘yung BuyBust ni Ate Anne (Curtis). Nu’ng napanood ko ‘yun, sabi ko, ‘Ang sarap sigurong makagawa ng ganu’ng pelikula. Kakayanin ko. Kung bibigyan po ako ng chance, gusto ko pong i-grab ‘yun at ibigay ang best ko,’” lahad ni Andrea sa Mid-Year Media & Trade Celebration ng TV5.
Why not?
Madir, sobrang payat…
MARTHENA, PUMALAG NA MUKHANG MAMAMATAY NA RAW SI AIKO
Nahe-hurt ang anak ni Aiko Melendez na si Marthena Jickain sa mga nagsasabi ng hindi maganda sa kanyang ina, tulad ng mukhang matanda at ‘dying’ na raw si Aiko.
Nag-react na si Aiko at boyfriend niyang si Onemig Bondoc sa mga nang-bash sa kanya.
Sa ginanap na mediacon para sa Midyear Media & Trade Celebration ng TV5 ay nakausap namin ang baguhang aktres. Isa si Marthena sa mga artists ng Starworx na nag-perform sa nabanggit na event.
“S’yempre po, bilang anak n’ya po, medyo masakit ‘pag nakikita ko ang ganu’n na sinasabi ng tao sa kanya. Pero at the end of the day, ako po ang nakakasama ng mom ko sa bahay. And I know po kung ano ang kalagayan niya, ano ang hitsura n’ya,” pahayag ni Marthena.
Kapag kasama raw ni Marthena ang kanyang ina ay para lang daw niyang ate si Aiko.
Pero tanggap ni Marthena na ganoon talaga ang panahon ngayon at maraming bashers.
Panawagan lang niya sa mga nanlalait sa kanyang ina, especially sa nagsabing mukhang ‘dying’ na si Aiko, sana raw, people should be more kind na lang in giving comments online.
Sinabihan na rin daw ni Marthena si Aiko tungkol sa mga bashers niya.
“And sa mom ko naman po, lagi ko s’yang nire-remind. ‘Mom, ang tagal mo na sa industriyang ‘to. Alam mo na ang ins and outs. Alam mo na kung paano i-take ang bashing.’ And, uhm, at the end of the day, alam naman n’ya kung ano ang ginagawa n’ya sa sarili n’ya to take care of herself. ‘Kaya ‘wag mo nang pansinin,’” pahayag ni Marthena.
Samantala, in-update kami ni Marthena sa lagay ng career niya sa TV5. So far, wala pa raw project na sinasabi sa kanya.
Hopefully, bago matapos ang taon ay magkaroon siya ng proyekto sa TV5.





Comments