Gusto pang umulit… STELL NG SB19, SOBRANG NAG-ENJOY MAG-CO-HOST SA IT’S SHOWTIME
- BULGAR
- 7 hours ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 7, 2026

Photo: SB19 Stell at Vice - Its Showtime YT
Number one trending sa X ang pagiging guest co-host ni SB19 Stell Ajero nitong Sabado, June 6, sa It’s Showtime.
Actually, Friday night pa nga lang ay nagkakagulo na sa X ang mga fans dahil nagpahaging na si Vice Ganda sa kanyang tweet.
Ayon sa comedian-TV host, sobrang excited siya sa kanyang guest co-host dahil matagal na raw niya itong nililigawang maging co-host and finally ay napapayag din niya.
“Super excited for my co-host tomorrow sa Showtime!!!! Matagal ko na s’ya gusto kuning co-host. Sa wakas napilit ko,” tweet ni Vice.
May clue pa na ibinigay si Meme Vice kaya madaling nahulaan ng mga netizens kung sino ito.
“Ang Kabog ‘to! 'Di 'to basta-basta bingo-bingo Need mo makumpleto parang bento Gento ano kaya mo???!!!!” aniya.
Si Stell na nga ang hula ng lahat at kinumpirma naman ito mismo ng P-pop Superstar sa kanyang sariling X account.
Ini-repost ni Stell ang tweet ni Vice at sey niya sa caption, “Me.”
Saad pa niya, “Kinakabahan po ako, opo.”
Kinaaliwan naman ng mga fans ang pagka-game ni Stell sa It’s Showtime at kani-kanyang post ang A’TIN (SB19’s fandom) ng mga clips ng kanilang idolo, dahilan para maging number one sa trending topic ang hashtag na “STELLarShowtimeHost” sa nasabing social networking platform.
Matapos ang show, nag-post ng pasasalamat si Stell sa kanyang X account.
“SOBRANG SAYA TALAGAAAAAA!! Sobrang nag-enjoy ako! Thank you po @itsShowtimeNa and ate @vicegandako labyu po ate Next time po ulet??? Hehehehehehe,” tweet ng miyembro ng SB19.
First time ginawa ng dyowa… JULIA, IN LOVE NA IN LOVE KAY COCO DAHIL SA LONG HAIR
TYPE na type ni Julia Montes ang new look ni Coco Martin sa Sigabo na mahabang buhok.
“In love na in love ako,” sagot niya nang matanong kung ano ang masasabi niya sa bagong hitsura ng leading man and real-life partner.
Sey ni Julia sa ibinahaging video ng CCM Film Productions, nasanay din daw kasi siya sa dating ‘Tanggol’ look ni Coco sa FPJ’s Batang Quiapo at ngayon lang niya nakita ang aktor sa mahabang buhok.
“Lagi kong sinasabi sa kanya, bagay sa kanya ang long hair, pero siyempre, dahil nga may kani-kanyang work, kumbaga, may mga in-between ‘yan, eh, sobrang busy nito.
May mga endorsements in-between. So, hindi kaya,” saad pa ni Julia.
Ayon naman kay Coco, halos isang dekada yatang araw-araw siyang napapanood ng mga tao with the same look from FPJ’s Ang Probinsyano to FPJ’s Batang Quiapo, kaya naman pinag-isipan daw niyang mabuti kung paano maiiba sa Sigabo ang kanyang hitsura para naman bago ang makita sa kanya.
Magsisimula nang mapanood ang Sigabo ngayong June 22, 8 PM sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, iWant, at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube.

