top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Gusto pa namang ipangalan kay Regine… ANGELINE, LALAKI ANG ANAK

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 2, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 02, 2022




Boy ang first baby ni Angeline Quinto!


Sobrang saya at nagpasalamat ang singer sa gender reveal party na ibinigay sa kanya ng kanyang good friend na si Vice Ganda.


Post ni Angge sa kanyang Instagram account, "IT'S A BOY!!! Sa wakas, maise-share ko na rin sa inyong lahat ang gender ng aking baby. Maraming salamat Ate Vice @praybeytbenjamin at sa Viceral family para sa gender reveal party n'yo sa akin! Excited na po ako sa journey ko bilang isang ina. Maraming salamat, Panginoon, sa isang napakagandang blessing na ibinigay N'yo sa akin!"


Samantala, marami ang naaliw sa post na photo ng best friend ni Angge na si Erik Santos ng larawan nilang dalawa.


Sa ibinahaging snapshot photo ni Erik, idinikit ng male singer ang kanyang tenga sa growing baby bump ni Angeline.


Pinagkuwentuhan din nila kung ano ang naririnig ni Erik sa loob ng tiyan ng kanyang friend singer-actress.


Happy ang mga fans na kahit hindi sila nagkatuluyan ay good friends sina Erik at Angeline.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page