Gusto na raw tumigil sa pagkanta… REGINE, AMINADONG NAGBABAGO ANG BOSES HABANG TUMATANDA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 10, 2022

Remember the "TNT Boys" na sina Kiefer Sanchez, Mackie Empuerto at Francis Concepcion, ang produkto ng Tawag ng Tanghalan Kids?
Aba, nagbibinata na pala ang tatlo at maging ang boses nila ay malaki na ang ipinagbago.
Kung dati ay ang tataas at matitinis ang kanilang boses, aba, this time ay hindi na.
Sa Magandang Buhay nitong Biyernes ay guest sa programa ang tatlo.
Ikinuwento ni Regine Velasquez nu'ng huli silang magkasama-sama sa isang show sa Rome, Italy.
"Noong nandoon kami sa Rome, they were having such a hard time. Kasi nga, nagbabago na ang mga boses nila and yet, they are singing the same songs, in the same key na noong mga bata pa sila.
"So, when I saw them and it was just the three of them, para silang nalugi. Naawa ako. So pinuntahan ko sila and I talked to them," lahad ng Asia's Songbird.
"Sinabi ko sa kanila na 'Kailangan n'yong i-accept kung ano ang magiging sound n'yo.' Kasi mahirap na, ang isip mo, nandoon ka pa sa bata ka, pero iba na 'yung naririnig mo.
"Kaya ko 'yun sinasabi because that happened to me. Although in my case, after I gave birth, minsan, umuuwi ako sa bahay after a gig, umiiyak ako sa asawa ko and was telling him maybe it's time for me to stop.
"May ganoon kasi, kasi alam mo 'yung tunog mo. So I felt the need to let these boys know na okay lang 'yan. Talagang it will change, your voice will change and it will keep on changing.
"Tapos, kanina, nakita ko sila, I was so happy to see them. Ang unang-unang sinabi sa akin ni Francis, alam mo kung ano? 'In-accept na po namin, Miss Reg.' Natuwa ako," sey ng singer.
Tinanong ni Regine kung paano nila natanggap ang pagbabago ng kanilang boses?
Si Francis ang unang sumagot, "Ako po, noong na-accept ko po siya, inisip ko po na hindi nga po puwedeng laging ganoon kasi lalaki rin po ako, mag-iiba talaga ang boses ko. So, dapat, masanay ako na ganito talaga ang boses ko at lumalaki pa siya nang lumalaki. Na-accept ko naman po at masaya naman po ako sa bagong boses."
Ayon naman kay Mackie, "Kasi po, lagi akong disappointed every time na kumakanta ako, kasi ang inaabangan sa aming tatlo, 'yung matataas. Tapos, ngayon na naririnig nila kami na bumaba na po, ginamit ko po 'yun para maghanap ng genre at songs na puwede po sa akin, sa amin po. So, in-accept na po namin nang buung-buo, kasi maganda naman po ang kalalabasan.:
Pag-amin naman ni Kiefer, "Mahirap po siya. Kasi every time na nagre-record ako, parang naririnig ko na wala po ako sa tono palagi at hindi na po siya same before puberty po namin at parang hindi ko na po itinutuloy ang record ko kasi sobrang iba na po. Nadi-discourage ako sa sarili ko. Ongoing pa po ('yung pag-accept). Tine-train ko ang boses ko ngayon, pinapraktis ko po siya at 'yung iba po ay nahanap ko naman ang genre ko. Unti-unti na pong naa-accept ko 'yung bagong voice ko po."
Hindi man sila ang big winner sa TNT Kids, gumawa naman sila ng pangalan as a group, eto ngang TNT Boys.
Nakilala ang tatlo sa international scenes tulad na lang sa Little Big Shots.





Comments