Gusto na raw magka-GF… ALDEN, ZERO PA RIN SA V-DAY

ni Nitz Miralles - @Bida | February 9, 2021

Si Alden Richards ang brand ambassador ng GMA Now, ang mobile digital TV receiver that can be plugged into an Android phone, walang monthly fee at may access ka na sa GMA, GMA News TV, Heart of Asia, Hallypop, DepEd TV at iba pang free-to-air digital channels in your location.
Masaya si Alden sa pagkakapili sa kanya ng GMA Network to be the face of GMA Now.
“I’m very happy and very honored that everytime GMA comes up with new product, they consider me to help them endorse it. Mahirap i-gain ang trust ng malaking network. I’m happy they trust me. Loyalty matters sa GMA, they prioritize loyalty,” ayon kay Alden.
Sa interview, nabanggit niyang this February na sisimulan ang locked-in shooting nila ni Bea Alonzo para sa pelikulang A Moment to Remember at dahil nabago ang shooting schedule, nabago rin ang playdate. Hindi pa alam ni Alden kung kailan ang playdate ng movie to be produced by Viva Films, APT Entertainment and GMA Pictures and to be directed by Nuel Naval.
Thankful si Alden na kahit may pandemic pa rin, patuloy ang dating ng projects at
blessings sa kanya. Kapag natapos nila ni Bea ang shooting ng movie, may gagawin siyang teleserye sa GMA-7 at may mga bago rin siyang endorsements.
Blessing ding maituturing ang pagbubukas niya ng bagong restaurant next month sa may South. Hindi binanggit ni Alden kung saan ang location ng bago niyang resto at ano ang pangalan. But, ibig sabihin lang, mananatiling sarado ang Concha’s Garden Cafe restaurant niya sa Quezon City.
Ang hindi pa rin natutupad sa mga goals ni Alden ay ang makahanap ng love life, heto at Valentine’s Day na naman, pero single at loveless pa rin siya.
“It’s been awhile since my last relationship, I wanna take a chance sana at maghanap ng mag-aalaga sa akin at aalagaan ko. Hindi pa lang nangyayari, pero darating din 'yun,” sabi ni Alden.





Comments