top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Gusto munang i-enjoy ang mister… LOVI, AYAW PANG MAGKA-BABY

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 28, 2023
1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | October 28, 2023



Kahit kasal na ay LDR (long-distance relationship) pa rin ang set-up ni Lovi Poe at ng mister na si Monty Blencowe.


Matatandaan ngang after the wedding sa London noong Agosto ay umuwi agad siya ng Pilipinas para mag-resume ng taping ng FPJ’s Batang Quiapo and since then ay hindi pa siya umaalis ulit dahil sa sunud-sunod na trabaho.


Nu’ng Huwebes ay nagkaroon naman siya ng mediacon dahil nag-renew siya ng kontrata sa Imono Jewelry bilang ambassador at nakatakda silang mag-launch ng Holiday collection.


Since makabalik ng ‘Pinas ay hindi pa nga raw ulit sila nagkikita ng kanyang hubby.


Mabuti na nga lang daw at sobrang supportive and understanding si Monty at hindi siya pinipigilan sa mga bagay na gusto niyang gawin lalung-lalo na nga ang pag-arte dahil alam daw nito na passion niya talaga ang acting.


Siyempre, natanong din kung ready na ba siyang magkaroon ng baby at ayon kay Lovi, “Well, wala pa siya sa plans namin. So far, right now, we just wanna focus sa work and us being together.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page