Gusto Mucho at Weather Lang target ang korona
- BULGAR
- Aug 20, 2023
- 2 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 20, 2023
Magsasanib-puwersa ang magka-kuwadrang sina Gusto Mucho at Weather Lang para targetin ang korona sa 2023 PHILRACOM 4-Year-Old & Above Sprint Race na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.
Gagabayan nina class A riders Kelvin Abobo at John Alvin Guce sina Weather Lang at Gusto Mucho ayon sa pagkakasunod para harapin ang ibang tigasing kalahok sa distansiyang 1,000 meter race.
May nakalaan na P1.5M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kasali ay sina Main Event, Bravo, Agi Daw, Palauig, Attractive Force, Stardust, Ambisioso, Asiong at Life Gets Better.
Posibleng maging mahigpit na karibal nina Weather Lang at Gusto Mucho ang magkakamping sina Palauig at Attractive Force at Life Gets Better ayon sa mga karerista.
"Halos lahat puwedeng manalo kaya pagalingan na lang sa pagpili," saad ni Jessie Alvarez, veteran karerista.
Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P900,000, mapupunta sa second placer ang P300,000 habang tig- P150,000, P75,000, P45,000 at P30,000 ang third hanggang sixth.
Magbubulsa rin ang breeder ng winning horse ng P75,000 habang tig-P45,000 at P30,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon.
Samantala, walong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong Linggo kaya masaya na naman ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Enigma Uno (5), Cat's Whiskers (6), Superhawk (2)
Race 2 - Platinum Frolic (3), Prime Billing (6)
Race 3 - Family Affairs (4), Uncle Vhines (1), Bisyo Mag Serbisyo (2)
Race 4 - Weather Lang/Gusto Mucho (1/1A), Palauig/Attractive Force (6/6A), Bravo (4)
Race 5 - Speed Revolution (5), Sky Lover (1), Magnolia Yana/Hee Nieve Rahh (6/6A)
Race 6 - Diversity (11), Ninong (1), Big Battle (6)
Race 7 - Misha (10), Jacqueline (5), Good Reason (2)
Race 8 - Aly Yanna (13), Shinshiro (12), Silver Glow (7), Celebrity (10)





Comments