Gusto lang daw sumikat... INTENSIYON NI MARC KAY KRIS, PINAGDUDUDAHAN
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 22, 2023

Para sa mga fans and supporters na nagmamahal kay Kris Aquino, isang "knight in shining armor" si Batangas Vice-Governer Marc Leviste.
Dinamayan at binigyan kasi nito ng moral support ang kanilang idolo na si Kris sa panahon na kailangang-kailangan niya ang kalinga at tulong upang lumakas ang kanyang loob.
Si VG Marc ang kasa-kasama ni Kris habang sumasailalim ito sa mga treatments noon sa Houston, Texas at hanggang sa lumipat ito ng ibang ospital sa Los Angeles, California.
Hindi biro ang oras at atensiyon na ibinibigay ni VG Marc kay Kris. Enero pa lang ay nasa USA na ito para bantayan at damayan ang Queen of All Media sa kanyang pagpapagamot.
Kaya naman, labis-labis ang pasasalamat sa kanya ng mga partidos ni Kris at maging ng mga malalapit na kaibigan nito.
Ganunpaman, may ilang netizens ang nagdududa sa tunay na motibo o intensiyon ni VG Marc sa ginagawa niyang pagtulong kay Kris.
Marami ang nagtatanong kung sincere ba siya o may ulterior motive lang?
Dumidikit lang ba ito kay Kris upang makuha ang atensiyon at loob ng publiko?!
Let's face it, kahit ilang taon nang walang mga shows si Kris at matagal nang hindi napapanood sa TV ay interesado pa rin ang lahat sa kanya. Kaya ang sinumang lalaki na nali-link sa kanya ay tiyak na magiging popular sa publiko at talagang pag-uusapan.
Ano kaya ang masasabi rito ni VG Marc?





Comments