- BULGAR
Gumradweyt sa edad 50 plus… KORINA, NAPAGKAMALANG TITSER NG MGA KAKLASE
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 7, 2022

May payo si Korina Sanchez sa mga gustong makapagtapos ng pag-aaral, lalo na sa mga magma-masteral.
Aniya, "Those who wish to go back to school, 'never say never, always know it's never too late.'"
Nag-post ng throwback photo si Korina na kuha nang mag-Commencement Exercises siya sa Ateneo De Manila nu'ng 2016 kung saan gumradweyt siya ng Master's Degree in Journalism.
Ang caption ng batikang broadcast journalist, "Yep, I took up my Masters past 50 [years old]! Akala yata ng classmates ko pagpasok ko ng classroom na ako ang teacher."
Ibinahagi ni Korina na pumapasok siya ng online classes kahit may anchoring job siya sa ABS-CBN, ang TV Patrol.
Nag-leave of absence pa siya nu'ng 2015 from her work as a journalist para lang matapos niya ang master's degree.
Pero hindi na rin siya nakabalik sa harap ng camera as a news anchor dahil nag-file ng presidential candidacy ang mister niyang si former Interior Secretary Mar Roxas nu'ng 2016.
Pero ang magazine show ni Koring na Rated K ay kanyang itinuloy.
Dagdag pa ng batikang journalist, "Studying from an 'older' mind and graduating a master's degree has been one of the most exhilarating experiences yet."
Mahigit dalawang dekada ring naging broadcast journalist si Korina when she finished her master's degree.
Wala naman daw pinipiling edad o age bracket ang edukasyon hangga't gustong abutin ang pangarap.
It's true naman.