Gumanti kay Kathryn? DANIEL, STARLET ANG BAGONG BABAE
- BULGAR
- Jul 31, 2021
- 3 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | July 31, 2021

Gumaganti nga ba si Daniel Padilla sa kanyang on-and-off screen partner na si Kathryn Bernardo?
Pagkatapos makipagtambal ni Kathryn kay Alden Richards, si Daniel naman ang nakahanap ng bagong leading lady sa latest movie niya.
Ang tinutukoy namin ay ang baguhang artista na si Rans Ripol na kasama ni Daniel sa Kung Maupay Man It Panahon na isa sa mga makikipag-compete sa 74th Locarno Film Festival na magaganap sa Switzerland simula Agosto 4 hanggang 14.
Ang Kung Maupay Man It Panahon ang unang pelikula na magsasanib-puwersa sa pagbibida sina Daniel at Charo Santos.
Sadly, parehong hindi makakasama sa Philippine delegates na pupunta sa Locarno Filmfest sina Charo at Daniel. Pero ang direktor ng pelikula na si Carlo Francisco Manatad at ang mga producers ang a-attend in one of the longest international film festivals.
Maging sa send-off presscon na in-organize ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) headed by Chair Liza Diño ay 'di sila nakadalo.
Pero present naman sina Rans, Direk Carlo at ang producer ng movie na si Armi.
Para kay Rans, napakahalaga ng Maupay sa kanya.
"Ang film na ito is about Typhoon Yolanda and the aftermath. Siguro, nai-portray ko 'yung character as Andrea. Ano kasi siya, parang she's really used to having a hard time with herself.
"So, parang wala na sa kanya 'to lahat. Siguro, nai-portray ko 'yun kasi naranasan ko rin naman 'yung naranasan ni Andrea in my real-life experiences. Hiindi nga lang 'yung kagaya sa typhoon. Pero 'yun, nai-portray ko naman siya nang maayos. Humugot din ako from my real experience.”
Siyempre, tinanong si Rans sa experience niya working with Daniel and Charo.
"Sobrang light nila katrabaho talaga. Sobrang gaan. Kasi uh, sobrang humble nila talaga. And I never thought intimidated kahit na sobrang mga batikan na silang aktor at aktres sa industriyang ito. Tapos, lagi nila akong gina-guide at tinutulungan talaga nila ako. At 'yung mga na-experience ko na mga time na naka-bonding ko rin sila was uh, dadalhin ko talaga. Sabi ko nga, kahit tumanda ako. Kasi this is my first film, tapos mga nakasama mo, mga ganoong artista. Kaya I'm so happy and thankful talaga ako.”
Ikinuwento naman ni Armi kung paano nabuo ang powerful cast ng Maupay.
“'Yun ang sabi ni Carlo, si Daniel ay galing ng Tacloban kaya nakakaintindi siya ng salitang Waray. So, parang he's really perfect for the role of Miguel.
“Uhm, nakakatuwa dahil bigla ko lang naalala ngayon. Nu'ng nagsu-shooting kami sa Tacloban Astrodome with 800 extras, gabi na, exterior. Tapos, ang eksena ay kakaulan lang.
“So, merong naka-standby na bumbero at binabasa sila. Tapos, nandoon 'yung ibang extras, tumitingin sa kamera or tumatawa.
“So, Daniel got the mic at nakiusap in Waray sa mga extras na parang, 'Bakit kayo tumatawa? Ano’ng nakakatawa? Nangyari 'to sa inyo, 'di ba? 'Andito nga kaming lahat para ikuwento ang kuwento ninyo. So, sana, magtulungan tayo rito.’
“Tapos, parang nakakakilabot na ganoon siya as an artist? Na hindi lang ang pag-arte niya ang iniisip niya kung hindi the entirety of the project.
"Paborito kong ikuwento ito sa mga nagtatanong kung papaano. So, we're very lucky to have Daniel on board not just as an actor but as an artist. And it was not just the language that we saw. ‘Yung mismong puso niya, ibinigay niya doon sa project, na kahit may mga schedule siya na mga shoot, pina-prioritize niya 'yung project.
“Kay Ma'm Charo naman, parang naalala ko rin 'yung gabi, kasama ko si (Direk) Carlo at si Pat, 'Sino ba talaga ang gusto natin as Norma?’ Tapos, isa lang naman ang wish namin, si Ma'm Charo, pero parang ang hirap niyang abutin.
“Tapos, biglang si Pat, nag-message kay Atty. Joji (Alonso). Tapos, maya-maya, parang sumagot na, 'Uy, interesado si Ma'm Charo.’ So kami, 'What? Tara, mag-pitch tayo. Ano'ng kailangang gawin? Ano'ng kailangang i-prepare para sa meeting with Ma'm Charo?' Ayun, nakakatuwa. Siguro, sa right time rin.
“Parang the universe conspire para mabuo ang ganitong casting. Of course, 'yan si Rans. Kahit ako, natakot for her para kina Ma'm Charo and Daniel. Pero first day pa lang, lumaban na si Rans. And it helped na nag-acting workshop nang ilang araw din. Nag-acting workshop si Rans with Daniel. Si Angeli Bayani 'yung nag-facilitate noon.”
Para kay Direk Carlo, nagswak sina Daniel at Rans para sa Maupay.
"It was a good mix — a very popular actor and a newbie actress," comment ni Direk Carlo.
Puwede!








Comments