Gumanap na mag-ama... DINGDONG, INALALA ANG MGA BONDING MOMENTS NILA SA TAPING NI RICKY
- BULGAR
- 10 hours ago
- 3 min read
ni Rohn Romulo @Run Wild | May 4, 2025
Photo: Dingdong Dantes at Ricky Davao - FB Dingdong Dantes
Nagbigay-pugay si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa pumanaw na actor-director na si Ricky Davao, na naging malapit sa kanya.
Nagkasama sila noon sa seryeng Alternate kung saan gumanap silang mag-ama, habang nanay naman ni Dingdong ang ex-wife ni Ricky na si Jackie Lou Blanco.
Sa kanyang latest post sa Facebook (FB), ibinahagi ni Dingdong ang photos nila ni Ricky, at pati ni Jackie Lou.
Panimula niya sa mahabang post, “There are people you meet in this industry whom you admire from afar long before you get the chance to shake their hand. For me, Ricky Davao was one of them.
“I would spot him at parties, events, and industry gatherings—and almost without fail, he’d find his way to the stage. Not to grab attention, but to give joy. One song in, and the entire room would shift. All eyes on him. All ears tuned in. And just like that, he owned the moment.”
Ang signature smile ni Ricky ang isa sa mga tumatak kay Dingdong, bukod sa kung paano nito binibigyang-buhay at saya ang paligid sa kanyang mga performance sa mga parties.
“From those small stages of casual gatherings to the big screens of film and television, Tito Ricky brought something rare: a blend of brilliance, warmth, and generosity,” ani Dingdong.
Inalala ni Dingdong ang mga naging bonding moments nila ni Ricky sa taping at ang mga words of wisdom na nai-share nito sa kanya tungkol sa buhay-buhay.
Pinuri rin niya ang aktor sa pagiging mahusay na direktor.
“On screen, he was incredibly precise. His director’s eye never left him. He hit marks perfectly, took notes gracefully, and always gave his scene partners something real to work with. His performances were consistent, deep, and alive.”
Sa pagtatapos ng tribute niya sa isa sa mga hinahangaang aktor, ani Dingdong, “He exits the stage now, not with finality, but with grace. Leaving behind echoes of music, traces of masterful performances, the warmth of his fatherly ways, and the kind of good vibes that linger long after the last song has been sung.
“Maraming salamat, Tito Ricky. You made our industry, our work, and our lives richer. This curtain call is not goodbye. It’s simply our standing ovation. (three clapping hands emoji) #RickyDavao.”
Pagtatapos niya, “May you rest in paradise, Direk Ricky!”
MULING ihahatid ng Yllana Racing, in partnership with Okada Manila, ang isa sa most anticipated racing events sa bansa, ang Okada Manila Motorsport Carnivale 2025, na magsisimula na ngayong Linggo, May 4 sa Parañaque City.
Ang racing action ay gaganapin sa Boardwalk and Gardens, ang seaside area sa labas ng Okada Manila.
Magsisimula ang aksiyon ng Super Sprint ng 6 AM at tatagal hanggang 6 PM, at susundan ng Grand Car Meet: Legends of the ‘90s ng 7 PM.
Magpapatuloy ang event sa May 31, na kung saan matutunghayan naman ang Jom’s Cup, ang 1/8-mile drag racing challenge. Aasahan ang intense na labanan sa Super Cars, Muscle Cars, at Vintage Cars.
“I remember announcing way back 2023 that we are going to wake up a sleeping giant. Now the giant is awake. Gising na gising s’ya, gutom na gutom at uhaw na uhaw.
“Gusto natin ibalik ‘yung mga karera in the heart of Metro Manila. So I welcome everyone to Motorsport Carnivale 2.0!” mahabang pahayag ni Jomari Yllana, president ng Yllana Racing at long-time motorsport advocate.
Hindi nga bago si Jom sa naturang sport, dahil nanalo at placer siya sa several local races. Matatandaan na siya rin ang first Filipino podium finisher sa 2014 Yeongam International Circuit na ginanap sa South Korea.
Patuloy siyang kumakarera bilang principal driver ng pro team Yllana Racing.
Ang Motorsport Carnivale ay inspired by the glory days of Philippine motorsports, kasama rito ang Philippine Grand Prix na ginanap sa Manila from 1973 to 1976, a series known for its prestige and grandeur.
Pinangungunahan din ang event ni Rikki Dy-Liacco, na respected champion racer at Head of Motorsports at the Automobile Association Philippines (AAP). Siya rin ang official representative ng bansa sa Fédération Internationale de l’Automobile (FIA).
Dinala ni Dy-Liacco ang international racing standards and experience, nagsilbi siyang race steward sa elite global events, kasama rito ang 24 Hours of Le Mans, GT World Challenge Asia, Formula 4 Middle East, at ang Macau Grand Prix.
Comentarios