top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Gumagaling ang mga may sakit, ang naluging negosyo, malabo!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | February 19, 2021



Pinaluwag na ang pagpasok sa mga resort sa mga lalawigan.


Malaki ang tama ninyo!


◘◘◘


Puwedeng iutos ng gobyerno ang pagbubukas ng lahat ng larangan.


Pero maiuutos ba nila ang “mabuhay” ang patay nang negosyo?


Kitam, nakita ninyo na ang “hinahanap ninyo”!


◘◘◘


Puwedeng gumaling ang maysakit na tao, pero hindi puwedeng buhayin ang bangkaroteng negosyo.


Hindi nauunawaan ng gobyerno ang kanilang ginagawang paghahari-harian!


◘◘◘


Karapatang ng tao na bumiyahe at kumilos nang malaya.


Isang karapatan ‘yan na ginagarantiyahan ng Konstitusyon.


Walang exemption d’yan!


◘◘◘


Kapag nilabag ang fundamental law, krisis ang kinauuwian niyan.


May krisis, hindi dahil sa COVID.


May krisis dahil palpak at nilabag ang karapatang-pantao!


◘◘◘


Kahit imanipula ang datos, walang kauuwian ‘yan kundi ang maglaho na ang COVID.


Pagkahaba-haba man ng prusisyon—sa simbahan din ang tuloy.


D’yan din mismo patungo ang buong daigdig, pero ang gobyerno—nganga pa rin!


◘◘◘


Dapat nang bumuo ng bagong task force.


Ito ay ang “Task Force Recovery” sa lahat ng antas—barangay, munisipyo, siyudad, lalawigan, rehiyon at pambanda.


Magtalaga ng “Recovery Czar” na aktuwal na ekonomistang pang-masa!


◘◘◘


Nagkakagulo sa Myanmar dahil sa panghihimasok ng mga dayuhan.


Huwag sanang maganap ‘yan sa Pilipinas!


◘◘◘


Ibinulgar mismo ni P-Digong na ginawa nang kampo military ng US ang Subic dahil sa VFA.


‘Yan ay simula na ng panghihimasok ng US sa loob ng teritoryo ng Pilipinas gamit ang “China issue”!


◘◘◘


Hindi naidepensa ng US ang Pilipinas nang agawin ng China ang Panatag Shoal sa Masinloc, Zambales.


Nambobola lang sila, ano ba?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page