top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Guce, Top Jockey ng 2022 PHILRACOM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 28, 2022
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | December 28, 2022


Nahirang na Top Jockey sa taong 2022 si class A rider Jessie Guce noong Sabado, (Disyembre 24).


Karamihan sa mga sinasakyan ni Guce ay mga tumitimbang at nagpapanalo sa mga stakes race, binase ang kanyang pagiging No. 1 sa point system ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Naka-post sa programa ng karera ng Top 20 Jockey sa 2022 nasa una si Guce pangalawa si John Alvin Guce habang pangatlo si O'Neal P. Cortez.


Bagama't naaksidente si Guce sa kanyang pananakay nakaraan ay tiyak na masaya pa rin ang kanyang pamilya dahil ligtas ito at nahirang pang top jockey.


Dumalo sa awarding noong Sabado ang anak ng jockey legend Jesus "Bong" Guce, palakpakan ang kanyang mgaa tagahanga, nagsaya dahil nakita siyang maayos at nagpa-picture sa mga kasamahang hinete.


Ang ibang nasa top 20 ayon sa pagkakasunod ay sina Kelvin Abobo, Jerico Serrano, Jomer Estorque, Rico Suson, Conrad Henson, Mark Angelo Alvarez, Lester De Jesus, AR Villegas, RM Garcia, Jonathan Hernandez, Rodeo Fernandez, Jeffril Zarate, Jeffrey Bacaycay, Pabs Cabalejo, JL Lazaro, Claro S. Pare at Patty Dilema.


Samantala, inaabangan ng mga karerista kung sino ang magiging Horse-of-the-Year at Jockey-of-the-Year ngayong taon.


Atat na ring malaman ng racing aficionados ang mananalo bilang Trainer-of-the-Year at Breeder-of-the-Year.


Samantala, siyam na races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kahapon sa Malvar - Tanauan City sa Batangas.


Suportado ng PHILRACOM sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ang nasabing karera.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page