Guce, top jockey 2023 ng PHILRACOM
- BULGAR
- Jul 26, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | July 26, 2023
Umarangkada bilang top jockey si John Alvin Guce sa mga hineteng may pinakamaraming panalo sa karerahan mula Enero 4 hanggang Hulyo 20, 2023 ayon sa inilabas ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) listahan sa programa ng karera.
Nakapagtala si class A jockey Guce ng 405 panalo, 165 second place at 55 third place para sa kabuuang 620 points habang nasa pangalawang puwesto si former Philippine Sportswriters Association, (PSA), Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez na may 394 na panalo, 140 2nd at 31 3rd at may 563 puntos.
Isa sa mga malalaking stakes race na pinanalunan ni Guce ay ang 2023 PHILRACOM Chairman's Cup kung saan siya ang rumenda sa winning horse na Big Lagoon noong Abril.
Nasa pangatlong puwesto si Jomer Estorque na may 349, 126, 34, first, second at third ayon sa pagkakasunod para sa 509 points.
Umentra sa top 10 sina dati ring PSA-JoY awardee Patty Ramos Dilema, (4th), Conrad Henson, (5th), John Allyson Pabilic (6th), John Sajhed De Ocampo (7th), Oneal Cortez (8th), Pablito Cabalejo (9th) at Christian Advincula (10th).
Samantala, si Ruben Tupaz ang nangunguna sa trainer matapos makalikom ng 755 total points mula sa 491 first, 200 second at 66 third.
Pangalawa si Peter Aguila, pangatlo si Conrado Vicente habang pang-apat at pang-lima sina Danilo Dela Cruz at Donato Sordan. Si Tupaz ang trainer ng premyadong kabayong Big Lagoon na sumasabak sa malalaking stakes race gaya ng Presidential Gold Cup.





Comments