Groom, puti na raw ang buhok… BEA, HINULAANG AFTER 7 YRS. MAGPAPAKASAL

Updated: Jan 9, 2021
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 4, 2021

Masuwerte para kay Bea Alonzo ang pasok ng taong 2021 o Year of the Ox. Umpisa pa lang ng taon, inanunsiyo na ng aktres na may tatlong pelikula na agad na nag-aabang para sa kanya.
Ayon pa kay Bea, naniniwala siyang mas magiging maganda ang taong 2021 para sa kanya kaysa noong nakaraang taon.
"I will be doing three movies in fact until June. And I’m glad that I can share it with you,” saad niya.
“I pray that 2021 will be a better year for all of us. I’m claiming it. We will all survive and we will apply all the things that we have learned in 2020. I’m so energized, I’m so excited for what’s in store for everyone this year,” saad ng aktres.
Naging aral kay Bea ang pandededma sa ilang proyektong inaalok sa kanya dati. Ngayon daw ay bukas na ang kanyang mga options sa bawat trabahong iaalok sa kanya.
“If there’s anything that I learned in 2020, if an opportunity knocks on your door, you should always say yes."
Samantala, tungkol naman sa kanyang love life, hindi niya masiguro kung sasaya ang kanyang puso ngayong taong ito o nganganga siya gaya ng dati.
Nitong nakaraang taon, natsitsismis ang aktres sa aktor na si Dominic Roque na bagama't wala pa ring pagtanggi o pag-amin sa magkabilang kampo, ang mga posts sa kanilang social media ang pinagbabasehan ng madlang pipol na sila nga ay magkarelasyon na.
Para makasiguro na si Dominic na nga ang newfound love ng aktres, sinubukan nito na basahan siya ng tarot card ng isa sa kanyang mga kaibigang si Niki. Hindi man itinanong ni Bea sa kaibigan kung ang aktor nga ang magiging love of her life sa taong 2021, naitanong naman niya kung kailan siya ikakasal.
“Later on pa nga. Civil muna. Hindi ka church sa una. Medyo hidden lang. Either seven months from now or seven years from now,” nalilitong sagot ng tarot card reader.
Buwelta naman ni Bea, “Seven months? Hindi puwede, may trabaho ako. Seven years naman, ang tagal! Ang tanda ko na nu’n.”
Sey ni Niki kay Bea, “Pero bongga naman ang marriage life mo after. Kasi if you’ll be married now, may chances kang mag-separate.”
Nang makitang puti ang buhok ng lalaki na nasa baraha, humirit si Bea at sinabing, “Bakit puti na ‘yung buhok? Matanda na?”
Katwiran naman ni Niki, “Mature na kasi siya mag-isip."
Nang tanungin naman ni Bea kung magkakaroon siya ng anak, hula ni Niki, “Supposed to be, tatlo, eh. Pero ang klaro sa akin, dalawa, one girl, one boy.”
Kung binobola lang ni Niki si Bea o hindi, may pakonsuwelo naman ang tarot card reader sa aktres,
“Very long life ka, very bongga ang career mo.”
At gaya ng karamihang manghuhula sa kanilang mga kliyente, nasabi na lang ni Niki sa aktres na maging maingat sa papasuking negosyo lalo pa’t maaari siyang maglabas ng malaking pera para rito.





Comments