top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Gretchen, sapul! SEN. BATO, TINAWAG NA "UL*L" ANG MGA NANG-INTRIGA SA RELO NIYA NA WORTH P360 M

  • BULGAR
  • Jul 8, 2022
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 8, 2022



May post si Senator Bato dela Rosa hinggil sa kanya umanong mamahaling relo na iniintriga ng mga netizens at Marites.


Aniya, "Sa mga ul*l d'yan na mga Marites, naisahan ko rin kayo! 'Yung relo ko na Seikopatik na P14K, ginawa ninyong Patek Philippe na 360 M php. Hahahaha!"


Isang netizen ang nagkomento tungkol sa relo, si @senyora.


Aniya: "May tsismis ba rito, senator?"


Sagot ng senador, "@senyora, 'yang relo na 'yan ay kinopya ng Seiko sa Patek Philippe Tiffany blue na nagkakahalaga ng 6.5M dollars at wala ka pang mabili dahil limited edition. May umuwi galing Japan na dala-dala 'yan at ibinenta sa akin sa halagang P14K. Heto na ngayon, kumagat ang mga intrigero. Swak sila. Hahaha!"


Sey ng isang netizen, "Si Gretchen yata pinatamaan niyang Marites, lol!"


Ilang buwan na rin naman ang lumipas nang punahin ni Gretchen Barretto ang suot na relo ni Senator Bato. Nagkairingan ang dalawa nang dahil sa e-sabong.

Tanong naman ng isang commenter, "Ang tagal na pinuna 'yan, ngayon lang ang resbak?"


May sumagot, "Naghanap pa ng kamukhang watch para 'di halata."


"Ang dami kasing artistang nagpi-feeling historians pero Marites din naman, lol at fake news spreader din."


Pinuna naman ang salitang ginamit ni Bato, "Ul*l and Marites words from a PH senator! Ang lala!!!"


"Walang etiquette talaga itong si Senator Bato, tsk!"


Sa huli ay may nagtanggol kay La Greta, "FYI, hindi si Greta ang pinaparinggan niya, 'yung IG account na watchspotterph, nag-post na Philippe Patek 'yan worth 300m+ daw, eh, fake news pala dahil Seiko."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page