First time kahit bata pa… ALEX, NINANG NA SA KASAL NINA CONG TV AT VIY
- BULGAR

- Jun 19, 2024
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 19, 2024

Ikinasal ang YouTube stars na sina Cong TV (na ang tunay na pangalan ay Lincoln Velasquez) at Viy Cortez kahapon.
Bongga ang wedding ng dalawa na ginanap sa the L’ Annunziata Parish Church sa Muntinlupa City. Pang-big time celebrity ang wedding ng dalawang internet stars.
Sa wedding gown pa lang ni Viy na gawa ng sikat na fashion designer na si Leo Almodal, walang duda na more or less, P1 million na ang halaga nito. Si Almodal din ang gumawa ng wedding gown ni Ara Mina nu’ng ikinasal kay Dave Almarinez.
Pang-Star Magic artist naman ang level ni Cong TV sa kanyang all-black suit attire na gawa ni Francis Libiran na favorite ng mga alaga ni Direk Laurenti Dyogi.
Well, ipinost nila sa kani-kanilang socmed (social media) accounts ang wedding photos dahil mahalagang milestone ito sa buhay nila.
Caption ni Cong TV sa kanyang Facebook post, “Mr. And Mrs. TV #perfectCongViynation.”
But a day before ng wedding nila ay may Facebook (FB) post na si Viy na hindi ipapalabas nang live sa socmed ang wedding nila ni Cong TV.
Aniya, “Hindi po naka-live ang kasal namin kasi hindi naman po kami artista. Pero follow n’yo po ang VIYLine Media Group, sila po ang magpo-post ng mga real time photos and short video (heart emoji).
“Marami pong walang may pakialam. Kaya sa mga may pakialam, follow n’yo na lang po VIYLine Media Group (heart emoji).”
May mga followers sila na nag-comment na meron silang “paki” at excited din silang mapanood ang wedding.
Sey ng isang netizen, “Oo nga, Viy. Baka naman puwedeng i-live video, excited din kami na makita kayong ikinakasal ni Cong. Kung puwede nga lang pumunta nang personal, gagawin ko, eh.”
Para kay Viy, dream come true na maranasan ang mala-prinsesang kasalan sa natunghayan niyang setup na ginawa ng sikat at favorite ng mga celebrities na event stylist na si Gideon Hermosa.
Spotted sa wedding nina Cong TV at Viy ang mga kapwa nila content creators tulad ng mom-to-be na si Alodia Gosiengfiao at si Alex Gonzaga.
Siyempre, may kani-kanyang posts din sa socmed accounts sina Alodia at Alex tungkol sa kasalan.
Sey ni Alex, “Welcome to the club, Cong at Viy! Nagsimula sa after 7 years na reply hanggang sa ngayon, ninang at ninong na sa kasal. We are all very happy for the two of you!!!! Enjoy married life, mga inaanak! (laugh emoji) #perfectcongviynation (3 red heart emoji).”
Kabilang si Alex at ang mister niyang si Mikee Morada sa mga principal sponsors sa wedding.
“Congratsssssssssss mga inaanak!!! God is good! (5 red heart emojis),” pagbati pa ni Alex sa kanyang socmed accounts.
Kung ‘di kami nagkakamali, this is the first time na nag-ninang si Alex sa kasal. May post din kasi siya kung saan sinabi niya na ang aga niyang mag-ninang sa kasal.
Going back to Viy at Cong TV, may two-year-old na anak na sila bago pa man nagpakasal, si Kidlat. Almost ten years din munang naging sila bago na-engaged nu’ng 2022 at sa taon ding ito isinilang si Kidlat.




A 1 on 1 video call offers a personalized way to connect with others, whether for business meetings, personal chats, or virtual consultations. This direct interaction ensures focused communication, allowing both participants to engage in a meaningful exchange. Unlike group calls, a 1 on 1 video call eliminates distractions and fosters a more intimate and effective dialogue. With the rise of remote work and digital communication, mastering the art of a 1 on 1 video call is crucial for maintaining strong relationships and productivity.