top of page
Search
  • BULGAR

Greatest blessing at angel daw ang mister… HEART KAY CHIZ: ‘DI KO MA-IMAGINE ANG BUHAY KO KUNG WALA KA

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 19, 2024




Ibinahagi ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram ang recap video ng naganap na renewal of vows nila ni Sen. Chiz Escudero last Feb. 15 sa Balesin Island.


Mapapanood sa video ang ilang highlights ng kasal kabilang na ang paglalakad nila sa aisle at ang wedding vow speech nila kung saan ay hindi nila napigilang maging emosyonal.



Caption ni Heart sa video, “Wedding vows renewal recap! You’re my greatest blessing, my love @escuderochiz.”


Parte ng wedding vow ni Heart, “How my life would have been if you weren’t around? You’re not just a husband but you’re the greatest angel there is. I sold my soul and you bought it back for me.”


Bahagi naman ng wedding vow ni Chiz, “It’s been nearly a decade and we’ve been through a lot of highs, a lot of lows. Maraming masaya, minsan, may malungkot. There was a time that I wished and prayed to God. Hiniling ko na sana, ‘yung bukas ko, maging ngayon na lang, ‘yung ngayon ko, maging nakaraan na agad-agad. Sa araw na ‘to, ibinigay at isinakatuparan ng Diyos ‘yun.”


Sa video ay may moment din si Heart with her mom, Cecilia Ongpauco na nagsabing masaya raw siya na finally ay nakadalo na siya sa kasal ng anak. Matatandaan kasing hindi sila nakadalo ng mister na si Rey Ongpauco sa first wedding ng mag-asawa in 2015.


“I’m so happy for her. And I’m happier because I’m around to witness this. Finally,” sey ng mom ni Heart.


Sabi pa niya sa anak, “Finally, I arrived,” at sey naman ni Heart, “She’s nine years late.”

Sagot ni Mrs. Ongpauco, “But made it still.”


Sa comment section ay may nagtanong kung nasaan ang ama ni Heart at sinagot naman ito ng aktres.


“He is recovering,” sagot ni Heart.


Matatandaang ang amang maysakit ang dahilan din kung bakit hindi nakadalo ang aktres sa kasal ng kaibigang si Lovi Poe last August, 2023.


“My dad is in the hospital,” ang sagot ni Heart sa isang netizen na nagtanong noon kung bakit wala siya sa kasal ni Lovi.


0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page