top of page
BULGARY - ANNE SA MGA KORUP KAHIT ‘DI NA SALAPI, ‘YUNG KATINUAN N’YO NA LANG ANG IBALIK-IG

Grave threats kina PBBM, FL Liza, Romualdez — QC... RTC VP Sara, ipinaaaresto

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 53 minutes ago
  • 2 min read

by Jeff Tumbado @News | September 5, 2026



Sara Duterte - AP Photo

Photo: Sara Duterte - AP Photo



Naglabas nitong Biyernes ang isang Regional Trial Court-Quezon City ng warrant of arrest laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng kasong grave threats.


Ayon sa abogado ni Duterte na si Paul Lawrence Lim, walang intensyon ang Bise na umiwas sa batas at gagamitin nito ang lahat ng legal na remedyo na maaari niyang gawin,


Samantala, sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na plano ng mga abogado ni Duterte na magpiyansa agad.


Kinumpirma naman ng Department of Justice (DOJ) na ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98 ang mosyon ni Duterte na ipagpaliban o bawiin ang warrant of arrest dahil umano sa kawalan ng merito.


Napag-alaman ng korte na may probable cause upang litisin si Duterte sa tatlong bilang ng grave threats, kaya iniutos ang pagpapalabas ng warrant of arrest.


Nag-ugat ang kaso sa pahayag ni Duterte sa isang online briefing kung saan sinabi niyang kumausap siya umano ng taong papatay kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez sakaling siya ay maunang mapaslang.


Nauna nang hiniling ng kampo ng Bise na ibasura ang mga kasong grave threats, na iginiit ang kawalan umano ng hurisdiksyon ng korte.


Ayon kay Lim, isa umanong impeachable officer si Duterte at, alinsunod sa Konstitusyon, ang mga opisyal na sakop nito ay maaari lamang alisin sa puwesto sa

pamamagitan ng impeachment.


“Dahil sila ay impeachable officer, hindi dapat sila kinakasuhan ng kasong kriminal katulad ng isinampa sa ating Bise Presidente,” ani Lim.


Ang umano’y grave threat ay isa rin sa mga artikulo ng impeachment laban kay Duterte na kasalukuyang nililitis sa Senado.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page