top of page

Grandslam champ ang Heneral Kalentong

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 30, 2020
  • 1 min read

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 30, 2020



Itinanghal na grand champion ang Heneral Kalentong matapos manguna sa katatapos na 3rd Leg Triple Crown Stakes Race sa Malvar, Batangas kahapon.


Makapigil-hininga ang labanan habang nauuna ang Sky Shot kasunod ang Union Bell at pangatlo ang Heneral Kalentong sa simula ng karera.


Naging mabigat para kay Union Bell para makipaglutsahan kay Sky Shot hanggang unti-unting bumitaw si Union Bell habang paparating ang kapatid na Heneral Kalentong pagsungay sa huling likuan ng karera.


Pagdating sa huling 500 meter na karera unti-unting kinuha ang pangunguna kay Sky Shot habang paparating ang Winning Bidder. Sa huling 50 meters tuluyan ng iniwan ng Heneral Kalentong ang mga kalaban habang pumangalawa ang Winning Bidder at dumating na pangatlo ang Sky Shot.


Tinanggap ang unang premyong P1.8-M ang nanalong Heneral Kalentong samantalang napunta sa winning bidder ang pangalawang premyo na P675,000 ang P375,000 sa 3rd place na Sky Shot.


Nagwagi ang Big Lagoon sa 3 Year Old Locally Bred Stakes Race sa mahusay na pagdadala ni jockey Pat Dilema sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar,Batangas.


Ang Big Lagoon ay naorasan sa bilis na 2:05 nang tapusin ang 2,000 meters at pumangalawa ang dehadong si Noon Bell na may 5 kabayo ang layo. Umalis na pangalawa ang Big Lagoon habang nauuna ang I Love 97 at Radio Gaga.


Pagdating sa huling likuan tuluyan nang iniwan ng Big Lagoon ang mga kalaban at hugandong nanalo sa laban pagsapit sa finish line. Nagkamit ng P300,000.00 premyo ang Big Lagoon sa nasabing laban.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page