Grand Monarch at Earli Boating sa Turf
- BULGAR
- May 13, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 13, 2023
Magsasanib-puwersa ang magka-kuwadrang sina Grand Monarch at Earli Boating sa magaganap na 2023 PHILRACOM 'Hopeful Stakes Race' na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.
Inaasahang mapapalaban sina Grand Monarch at Earli Boating sapagkat kasali rin ang magkakamping Boat Buying at Winner Parade sa distansiyang 1,600 meter race.
May guaranteed prize na P1.5M ang paglalabanan kung saan ay ikakalat ito sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, rerendahan nina Conrad Henson at dating Philippine Sportswriters Association, (PSA), Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema sina Grand Monarch at Earli Boating ayon sa pagkakasunod.
Ang ibang kalahok sa karerang may P900,000 na premyo sa mananalong kabayo ay sina Badboy MJ, Borrowed Heaven, Mano Po, Rough Cut, Song Bird, Sweetie Giselle at Take A Chance.
Gagabayan ni class A rider Kelvin Abobo si Boat Buying habang si John Alvin Guce ang sasakay kay Winner Parade.
Sisikwatin ng segundo puwesto ang P300,000 at P150,000 sa pangatlo habang tig-P75,000, P45,000 at P30,000 ang fourth hanggang sixth placers ayon sa pagkakahilera.
Tatanggap din ng P75,000 ang breeder ng winning horse habang tig-P45,000 at P30,000 ang second at third sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. Maliban sa nabanggit na stakes race ay may iba pang malaking karera ang pakakawalan kaya inaasahang aabangan ito ng mga karerista.
Pakakawalan din ang 1st Leg ng Triple Crown series bukas, araw ng Linggo, pakakawalan ito sa parehong lugar.





Comments