top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Grand Monarch at Earli Boating sa Hopeful Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 10, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 10, 2023


Masisilayan ng mga karerista sina Grand Monarch at Earli Boating sa magaganap na 2023 PHILRACOM "Hopeful Stakes Race" na ilalarga sa Mayo 13, (Sabado) sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Paniguradong mabibigyan ng magandang laban sina Grand Monarch at Earli Boating dahil kasali rin ang magkakamping Boat Buying at Winner Parade sa distansiyang 1,600 meter race.


Nakalaan ang P1.5M guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, gagabayan nina Conrad Henson at former Philippine Sportswriters Association, (PSA), Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema sina Grand Monarch at Earli Boating ayon sa pagkakasunod.


Ang ibang kalahok sa karerang may P900,000 na premyo sa mananalong kabayo ay ang Badboy MJ, Borrowed Heaven, Mano Po, Rough Cut, Song Bird, Sweetie Giselle at Take A Chance.


Rerendahan naman ni class A rider Kelvin Abobo ang Boat Buying habang si John Alvin Guce ang sasakay sa Winner Parade.


Hahamigin ng segundo puwesto ang P300,000 at P150,000 sa pangatlo habang tig P75,000, P45,000 at P30,000 ang fourth hanggang sixth placers ayon sa pagkakahilera.


Tatanggap din ng P75,000 ang breeder ng winning horse habang tig P45,000 at P30,000 ang second at third sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli de Leon.


Samantala, tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa lineup na ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa mga darating na araw ng karera.


Maliban sa nabanggit na stakes race ay may iba pang malaking karera ang pakakawalan kaya inaasahang aabangan ng mga karersita kung sino ang mga tatakbong kabayo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page