Gradweyt na sa college… RUFFA, GUSTONG MAGING LOREN, KORINA, JESSICA, KAREN AT TONI
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 25, 2022

Pagkatapos gumradweyt sa kolehiyo, nagma-masters naman ngayon si Ruffa Gutierrez.
Marami pa raw siyang balak gawin sa kanyang buhay lalo na't malalaki na ang mga anak niyang sina Lorin at Venice.
Excited din si Ruffa sa bagong morning talk show niya kasama sina Mariel Padilla at Ciara Sotto, ang M.O.M.S. (Mhies On A Mission) na mapapanood sa AllTV Network simula sa Nov. 28, 11 AM to 12 NN.
May kani-kanyang mission na gagawin sina Ruffa, Mariel at Ciara na bahagi ng format ng show at game na game silang gawin ang naka-assign sa kanila.
Samantala, magiging busy ang schedule ni Ruffa sa darating na Disyembre. Full blast na ang shooting niya sa Ilocos ng part 2 ng Maid in Malacañang. At may show pa sila nina Cesar Montano at Diego Loyzaga sa Hawaii, USA.
Sinasamantala ni Ruffa ang mga oportunidad na dumarating ngayon sa kanyang buhay.
Super nag-e-enjoy siyang kasama sina Mariel at Ciara sa M.O.M.S.. Wala raw silang script sa show kaya anything goes.
Anyway, noong mediacon ng M.O.M.S. ay natanong namin si Ruffa kung balak din ba niyang luminya sa pagho-host ng serious talk show tulad nina Loren Legarda, Korina Sanchez, Jessica Soho, Karen Davila at Toni Gonzaga.
Malawak na rin ang nalalaman ni Ruffa sa iba't ibang isyu sa lipunan. She's smart, witty at outspoken. At may karisma siya sa tao.
"Yes! Why not?! Pero baka next year na 'yun kung sakali. Loaded pa ang schedule ko ngayon!”
aniya.
Well, napapanahon na nga na mag-level-up ang career ni Ruffa Gutierrez. Dati siyang beauty queen at matagal nang nag-aartista. Naging host na rin siya dati ng showbiz talk show.
At tiyak na kakayanin niya ang mga ginagawa nina Loren, Korina, Karen at Toni kapag sumabak na siya sa pagho-host ng seryosong talk show.





Comments