Grade 11, huli sa drugs

ni Maeng Santos @News | November 27, 2026

Photo: File
Tatlong indibidwal kabilang ang 18-anyos na estudyante ang arestado kaugnay sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.
Sa ulat ng tanggapan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng SS4 nang maaktuhan nila si alyas Vic, 55, na gumagamit umano ng droga sa loob ng isang abandonadong bahay sa Pinagpala St., Area 3, Sitio Pinalagad, Brgy. Malinta alas-4:30 ng hapon.
Natimbog naman nina PSSg. Flavin at PCpl. Manalad, kapwa ng Police Sub-Station 6 si alyas Randy nang mahuli sa akto nagsa-shabu rin umano sa tabi ng Kadiwa Market sa Brgy. Malanday alas-12:50 ng hatinggabi.
Nahulihan naman ng isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana ang isang lalaking Grade 11 student sa harap ng Valenzuela Amphitheater Entrance sa Brgy. Karuhatan alas-6:15 ng gabi.





Comments