Grabeng paninira ‘yan… UP, pinagkukutaan na raw ng komunista, may shabu laboratory pa?!
- BULGAR

- Jan 23, 2021
- 1 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 23, 2021
MGA ALAGAD NI P-DUTERTE, IMBES NA PAPURIHAN ANG UP, SINISIRAAN PA—Ang University of the Philippines (UP) ay isa sa pinagpipitagang unibersidad sa Pilipinas dahil sa tuwing maglalabas ng survey ang Quacquarelli Symonds (QS) ay palaging pasok ito sa top 100 best school sa buong Asya.
Imbes na papurihan ito ng Duterte gov’t., ang mga alagad pa ni P-Duterte ang sumisira sa UP. Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, pinagkukutaan daw ito ng mga komunista, at sabi naman ni AFP spokesman, Gen. Edgard Arevalo, baka raw may shabu laboratory sa unibersidad, boom!
◘◘◘
TAPANG NI LORENZANA, DAPAT SA WEST PHILIPPINE SEA NIYA IPAKITA—Patuloy pa rin ang dakdak ni Sec. Lorenzana laban sa UP at ngayong ibinasura na niya ang DND-UP agreement o accord na nagsasaad na hindi puwedeng pumasok ang mga awtoridad sa eskuwelahan nang walang pahintulot ang mga UP officials ay wala na raw makapipigil sa kanya na ipag-utos sa militar na pasukiin ang unibersidad upang tiktikan ang mga komunista sa loob paaralan.
Ang tapang ni Sec. Lorenzana sa mga Pilipinong kabaataang mag-aaral pero sa mga Chinese na sumakop sa mga isla at karagatan ng Pilipinas na sakop ng WPS ay tiklop, buwisit!
◘◘◘
PATI BSP GOVERNOR, SABIT NA RIN SA KORUPSIYON—Sinampahan ng grupo ni Ricardo Fulgencio ng Stop Corruption Philippines Inc. (SCOPI) ng kasong katiwalian sa Ombudsman si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Benjamin Diokno dahil sa maanomalyang P1.75 billion contract sa paggawa ng national ID sa bansa.
Grabe na ang katiwalian sa ‘Pinas kasi mantakin n’yo, pati BSP governor, dawit na rin sa katiwalian, buwisit!





Comments