Grabehan ang trapik sa Valenzuela, lintik na RFID stickers ‘yan!

ni Ka Ambo - @Bistado | December 8, 2020
Gumagrabe pa ang COVID sa U.S.
Nasaan ang kanilang mga eksperto?
◘◘◘
Magpapaturok na ng COVID vaccine ang Reyna ng Britanya na si Queen Elizabeth sa mga susunod na ilang linggo.
‘Yung mga pulubi sa paligid ng Palasyo ay tatanghod muna hanggang sa mga kasunod na taon!
◘◘◘
Naipasok na sa Japan ang alikabok ng isang asteroid na kinolekta mula sa kalawakan.
Hindi sana ito infected ng extraterrestrials’ microbes!
◘◘◘
Kabilang daw ang mga mambabatas sa mga korup sa gobyerno.
Huh, ngayon lang ba sila ipinanganak?
◘◘◘
Pinepeste ng trapik ang Valenzuela dahil sa kapalpakan ng NLEX sa RFID stickers.
Mahihina ang mga kukote!
◘◘◘
Malungkot ang eksena ng Belen sa Bethlehem.
Naka-astronaut helmet ang Sto Niño, may face mask ang mag-asawang Jose at Maria.
Mababalam ang pagdating ng Tatlong Mago kasi’y naka-quarantine pa sila mula sa Malayong Silangan!
◘◘◘
Tameme ang mga mambabatas sa legalisasyon ng marijuana.
Panibagong kaso ng kamangmangan!





Comments