Grabe raw sa taping… KAILA, CHARLIE, SUE AT JANELLA, PINASAKIT ANG ULO NG 2 DIREKTOR
- BULGAR

- 11 hours ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | October 24, 2025

Photo: Kaila Estrada, Charlie Dizon, Sue Ramirez, at Janella Salvador
Pinasakit umano nina Kaila Estrada, Charlie Dizon, Sue Ramirez, at Janella Salvador ang ulo ng kanilang dalawang direktor sa seryeng What Lies Beneath (WLB).
Ito ang muling pag-apir ni Charlie sa serye matapos nilang makasal ni Carlo Aquino.
Nilinaw naman ng aktres na may mga nagawa na rin siyang ibang projects bago ang WLB, pero hindi pa raw naipapalabas.
Sey naman ni Sue, “Napakahirap ‘pag kaibigan mo ‘yung mga kaeksena mo. Grabe, ‘pag kaming apat na magkakasama, you can ask our directors, sumasakit ‘yung ulo nila sa amin. Tawa kami nang tawa.
“It just goes to show how much we enjoy what we’re doing, how excited we are together and actually do scenes together. I’m so happy to be working with all of these girls.”
Agree naman si Janella sa ibinulgar ni Sue, “Talagang nagbabatuhan kami ng energy. Ang sarap-sarap pala na nagsusuportahan kami, na magagaling lahat ng kasama mo. Nagpo-flow lang nang maganda ‘yung emotions, ‘yung energy. Ang sarap makaeksena ‘yung tatlong ‘to, kahit na mahirap.”
Pakli naman ni Charlie, “‘Pag mabibigat na eksena o ‘yung mga eksenang walang dialogue, ‘yung mga tinginan lang, du’n kami hirap na hirap, as in tawang-tawa kami lagi.”
Para naman kay Kaila, “It’s a very supportive energy lalo na sa aming apat. I feel like makikita ng mga tao ‘yung chemistry talaga naming apat. Maniniwala talaga sila na magkakabarkada kami o childhood friends kami kasi parang ganu’n ‘yung pakiramdam.”
Anyway, tanong lang po, ang What Lies Beneath ba ay hango sa supernatural horror movie noon na pinagbidahan nina Harrison Ford at Michelle Pfeiffer na idinirehe ni Robert Zemeckis?
Just asking.
NAPAKAEMOSYONAL ni Ogie Alcasid nang magbigay ng tribute sa pumanaw na singer-songwriter na si Davey Langit kamakailan dahil inaanak pala niya ito.
Ibinahagi ni Ogie ang isang video ni Davey na nakatanggap ng regalo mula sa kanya.
Aniya sa caption, “Davey, hindi pa rin ako makapaniwala. Ito ‘yung ipinadala mo na video sa akin nu’ng natanggap mo (ang) surprise ko sa ‘yo nu’ng nanalo (ang) OKC (Oklahoma City Thunder NBA team). Ang saya-saya mo.”
Nagpahayag din siya ng pakikiramay sa mga malapit kay Davey at nagbigay-pugay sa kanyang legacy.
Pahayag ni Ogie, “Marami kaming nagmamahal sa ‘yo at humahanga sa galing mo sa pagsulat at pag-awit. Higit sa lahat, sa napakabuti mong puso.
“Magka-text lang tayo ilang linggo lamang ang nakalipas. Nakakalungkot at nakakabigla.
“Lubos kaming nakikiramay kay Therese at sa iyong mga mahal sa buhay. Lalo na kay Aikee na kausap ko kaninang umaga.”
Huling sinabi ni Ogie, “Magpahinga ka sa kapayapaan, inaanak. Umawit kasama ang mga anghel.”
Si Davey Langit ay nakilala nang maging contestant sa Pinoy Dream Academy (PDA) noong 2006. Nakilala siya sa kanta niyang Selfie Song.
ISA na ring entrepreneur ang leader ng P-pop girl group na BINI na si Jhoanna Robles. Bukas na para sa publiko ang kanyang coffee shop na nasa Calamba, Laguna.
Pagod at hirap ang pinagdaanan ng singer bago niya natupad ang pangarap.
Sa kanyang Instagram (IG) Stories, ibinahagi niya na siya na mismo ang may-ari ng bagong branch ng Brew and Co.
Ayon sa kanya, ilang buwan din siyang nagpuyat at nagpursige para sa kanyang negosyo.
Well, sana raw ay maging ligtas at komportable ang lugar ng coffee shop para sa lahat ng pupunta roon.
Congratulations, BINI Jhoanna!








Comments