top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Grabe ang korupsiyon sa gobyerno sa gitna ng krisis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 12, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | December 12, 2021



PAULIT nating binabanggitna kung maraming nagdahop

sa panahon ng COVID-19, napakarami ring naging biglang milyunaryo at bilyunaryo.


Kabilang sa mga buwitreng ito ang mga signatories ng kontrata sa gobyerno.


◘◘◘

TAMA kayo, grabe ang korupsiyon sa gobyerno sa gitna ng krisis.


Ang masakit, kakutsaba rito ang mga may ari at ehekutibo ng mga ospital!


◘◘◘


BINANSAGAN ni Dra. Minguita Padilla na “kotong sa kalusugan at karumal-dumal” ang modus-operandi na kinakasangkapan ang COVID-19.


Ayon kay Dra. Padilla, wala nang mas lalala pa sa katiwalian sa sistemang pangkalusugang ito!


◘◘◘


ISANG ophthalmologist at co-convenor ng grupong Doctors for Truth and Public Welfare si Dra. Padilla.


Siya mismo ang pinili ni Sen. Panfilo para masama sa senatorial slate dahil sa adbokasiya laban sa korupsiyon at katiwalian sa gobyerno!


◘◘◘


IBINUNYAG ni Padilla na malaking “kotong” ang iminaniobra ng ilang opisyales ng gobyerno na nagdulot ng kahirapan at ikinamatay ng maraming Pilipino sa nakaraang dalawang taon.


Bukod sa overpricing ng test kits, equipment, PPEs at ambulansiya, “Nariyan din ang mga malapit nang mag-expire na gamot na binayaran natin nang buo.”


◘◘◘


IBINISTO ni Padilla na, “Matindi rin ang korupsiyon sa PhilHealth, kung saan-saang bank accounts ang ginamit batay sa nabunyag sa senate hearings”.


Bilang doktor, nakalulungkot, aniya siya na imbes tugunan ang problema ng pagkalat ng COVID-19, inuna pa ng ilan sa gobyerno ang "mag-isip kung paano kumita sa gitna ng pandemya."


◘◘◘


NOONG 2015 ay tumestigo ang doktora sa Senate Blue Ribbon Committee at sinabing bagama’t karamihan ng nasa PhilHealth ay matitinon pero marami ring sangkot sa korupsiyon.


May mga kumukuha ng porsiyento ng bayad sa mga doctor at ospital na nag-aabuso sa PhilHealth, tapos ginigipit ang ilang ospital na hindi ‘kasosyo’. Talagang na-kotong tayong lahat," ani Padilla.


◘◘◘


IBINUNYAG din may mga kaso ng advanced payment sa mga ospital gamit ang COVID-19 funds.


Mayroon ding health centers diumano na nabibigyan ng pondo kahit hindi naman COVID-19 centers.


◘◘◘


SANGKOT din, aniya, ang ilang lokal na pamahalaan kung saan ibinebenta sa barangay ang mga gamot na dapat sana ay ibigay nang libre sa mga residente.


Ito rin ang dahilan kung bakit kumilos siya, kasama ang ilang doktor, upang makalikom ng pondo para sa pagbili ng mga PPE, kumot, electric fan at maging washing machine para sa mga medical frontliner!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page