top of page
Search
  • BULGAR

Gov’t official at miyembro ng gabinete, nagkakapersonalan na dahil sa kontrobersiyal na Ivermectin

ni Chit Luna - @Yari Ka! | May 22, 2021



Dahil sa pagtangging pumanig sa kontrobersiyang kaugnay sa usapin ng pamamahagi ng “pamurga” sa mga residente mula sa lungsod, target ngayon ng isang opisyal ng gobyerno ang iparanas sa isa pang miyembro ng gabinete ang makulong lalo pa’t patuloy silang hindi sinisipot sa mga pagdinig.


Ang ating bida na kumakatawan sa ‘partylist group’ ay sumama ang loob sa nasabing miyembro ng gabinete sapagkat tumanggi itong panigan siya sa kontrobersiyang kinahaharap kaugnay sa pamamahagi ng mga Ivermectin sa lungsod kung saan nito planong kumandidatong alkalde.


Giit ng ating bida, mabisang panlaban kontra COVID-19 ang mga nasabing gamot na ginagamit bilang pamurga sa mga hayop.


Aniya, dapat makulong ang nasabing kalihim na makailang ulit na inindiyan ang kanilang paanayaya sa ginagawang pagdinig hinggil sa COVID-19 response ng pamahalaang nasyunal.


Babala pa niya, isa-‘cite nila for contempt’ ang nasabing kalihim sa sandaling muli nitong balewalain ang kanilang patawag.


Sa ating pagsasaliksik, lumalabas na dalawang ulit na umano itong nang-indiyan at wala man lang alibi kung bakit hindi nakarating.


Gayunman, isang malapit sa ating bida ang nagsabing pinipersonal na nito ang miyembro ng gabinete na tinawagan pa umano upang hingan ng tulong kaugnay ng napipintong asuntong isasampa sa kanya.


Sino nga ba ang nasabing kongresista? Siya lang naman ang isa sa pinakamabungangang kontrapelo sa usapin ng prangkisa ng malaking istasyon. Kilala ang naturang opisyal ng gobyerno na kabit umano ng isang dating Pangulo.


At ang kalihim? Minsan ay nahuli-cam sa isang pagdinig na suot ang relong nagkakahalaga ng P13-milyon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page