top of page
FRANKLY - PIKTYUR NI JENNYLYN NA BUGBOG-SARADO, GINAMIT NA PROPS SA PARTY, DENNIS GALIT NA

Gov’t. agencies, dapat daw simple lang ang Christmas Party pero ‘pag palasyo, bongga?!!

Writer: BULGAR
BULGAR
12 hours ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | November 7 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


MALACAÑANG SA MGA AHENSIYA NG GOBYERNO GAWING SIMPLE ANG CHRISTMAS PARTY, PERO SILANG NASA PALASYO ‘BONGGA’ KUNG MAGPA-PARTY —- Nanawagan ang Malacañang sa mga ahensiya ng gobyerno na gawing simple ang mga idadaos nilang Christmas party.


Ulitin natin ha! Patungkol sa mga ahensiya ng pamahalaan ang panawagang iyan, pero sa Malacañang, laging bongga ang mga party, period!


XXX


IMBES NA PAGKAIN PARA SA MGA MARALITANG PINOY ANG BILHIN, ANG NAISIP BILHIN NG MARCOS ADMIN AY MGA MISSILES — Nais ng Marcos administration na bumili ng mga brahmos missiles sa India para palakasin ang depensa sa West Philippines Sea (WPS).


Pambihira naman! Imbes na pagkain ang bilhin ng Marcos admin para sa mga maralitang Pinoy, eh ang naisip bilihin ay mga missiles, boom!


XXX


TATAAS ULI ANG RATING, LALAKI ANG LAMANG NI VP SARA KAY MAYOR LENI KUNG HAHARAP SIYA SA IMPEACHMENT COURT — Nagkakaroon na ng masamang epekto sa rating ni Vice President Sara Duterte ang mga inilabas na ebidensya ng prosecution panel patungkol sa mga pera sa bangko, mga negosyo at mga ari-arian ng Bise Presidente na hindi niya idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) kasi sa latest survey ng OCTA Research Firm para sa 2028 presidential election ay 7% na lang ang lamang niya kay Naga City Mayor, former Vice President Leni Robredo, nakakuha si VP Sara ng 40% at si Mayor Leni naman ay 33%. 


Kaya kung nais ni VP Sara na lumaki uli ang lamang niya sa rating kay Mayor Leni ay isa lang ang dapat niyang gawin, humarap siya sa impeachment court at sagutin ang mga alegasyon ng corruption laban sa kanya, at kapag ginawa niya 'yan, hahataw uli paitaas ang kanyang rating sa sinumang makakalaban niya sa 2028 presidential election, period!


XXX


DATI BILIB NA BILIB ANG MGA DDS KAY DEAN SARMIENTO, PERO NGAYON HINDI NA, HATE NA SIYA NG MGA DDS — Dati ay bilib na bilib ang mga Duterte Diehard Supporters (DDS) kay law professor, Dean Ralph Sarmiento sa mga post nito sa social media na nagtatanggol kay VP Sara sa kinakaharap nitong impeachment case sa Senate Impeachment Court.


Pero mula nang tumanggi si Dean Sarmiento na tumestigo sa impeachment court, hate na siya ng mga DDS, at talaga namang todo-pamba-bash na ang inaabot niya sa mga DDS, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page