Goodbye, ‘Pinas, sa Tate na titira… JOJ, IKAKASAL NA SA KANONG BF
- BULGAR

- Oct 7
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | October 7, 2025

Photo: FB Joj and Jai Agpangan
Engaged na ang former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Joj Agpangan sa kanyang foreign boyfriend na si Danny.
Ibinahagi ni Joj ang kanilang engagement sa kanyang Instagram (IG) account. Naganap ang proposal sa Austin, Texas, at ibinahagi rin niya ang vlog sa YouTube (YT).
Ipinakita ni Joj ang singsing na may tatlong diamonds na may simbolikong kahulugan para sa kanya at sa kakambal na si Jai.
Ayon kay Joj, may espesyal na kahulugan ang disenyo ng ring niya, “It symbolizes me and Jai because we're twin sisters. Jai is a big part of my life.”
Caption niya, “Nilagyan n’ya ng singsing! From Tita Joj to Wifey Joj.”
Nagbigay din ng taos-pusong mensahe si Joj para sa fiancé, “Forever starts now with you, Danny. What a journey it has been—everything happened in God's perfect timing. I feel so blessed to have a man who loves so deeply and fully. My soulmate, I love you so much!”
Ibinahagi rin ng aktres na parehong suportado ng kani-kanilang pamilya ang kanilang relasyon.
Sey niya, “Ako at si Danny, we’re really grateful that we have an amazing family. They’re very supportive, they're very loving. That's why super smooth ‘yung journey sa amin.”
Ibinahagi rin ni Joj kung gaano siya kasuwerte sa taong kanyang makakasama habambuhay.
“He’s really a great guy. He’s the best, and I can’t wait to spend my whole life with him,” aniya.
Ibinahagi rin ng PBB alumna na sa USA na siya maninirahan.
“Transitioning here is really a big step for me, but I’m excited. I’m just like positive. And good energy. People here are really nice,” ani Joj na tila handang-handa sa bagong yugto ng kanyang buhay-may-asawa.
Matatandaang unang sumikat si Joj noong 2012 nang makapasok siya at ang kakambal niyang si Jai Agpangan sa Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition 4, kung saan nagtapos sila bilang 4th Big Placer. Pagkatapos ng PBB, parehong pumasok sa showbiz ang kambal at lumabas sa ilang TV shows at pelikula.
Noong 2018, ipinagdiwang ng kambal ang pagtatapos nila sa kolehiyo sa University of the Philippines (UP).
PINURI ni Matteo Guidicelli ang mga kababayan niyang Cebuano sa pagkakaisa at katatagan ng mga ito sa kabila ng trahedyang lindol na nangyari sa kanilang lugar sa Cebu.
Aniya sa kanyang Instagram (IG) account, “Nasaksihan muli ang puso ng Cebuano! Ang ating mga kababayan ay nagsisikap na tumulong sa isa’t isa. Lahat ay sumusuporta sa isa’t isa at laging nagbibigay ng tulong.
“‘Yan ang Pilipino! Basta Bisaya, GAHI!”
Ang kanyang pahayag ay hindi lamang para sa kanyang nakalakihang lugar kundi sa lahat ng naapektuhang lugar sa Cebu.
NAGSELEBREYT kamakailan ng 37th birthday si Maja Salvador.
Ito ang bati ng mister niyang si Rambo Nuñez, “You are a blessing to me and Maria.”
Ipinagdiwang ng negosyante ang kaarawan ng misis niya sa pamamagitan ng isang heartfelt post sa Instagram (IG).
Sa naturang post, ibinahagi niya ang ilang larawan ni Maja na bakas ang kaligayahan.
Mensahe niya, “Happiest birthday to our Queen Momma. We love you so much!!!”
Mabilis na nakakuha ng atensiyon ang post ni Rambo online.
Sina Rambo at Maja ay ikinasal noong July 31, 2023, na ginanap sa Apurva Kempinski, Bali, Indonesia. Nagkaroon sila ng anak noong 2024.








Comments