top of page
Search
BULGAR

Good news sa mga online seller

ni Ryan Sison @Boses | Enero 31, 2024


Magandang balita para sa mga small-scale online sellers.


Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na exempted na ang mga small-scale online seller sa creditable withholding tax sa ilalim ng Revenue Regulation No. 16-2023 at Revenue Memorandum Circular No. 8-2024. 


Sa isang pahayag, sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na ang mga small online seller na may mga transaksyon na wala pang kalahating milyon taun-taon ay exempted sa 1.0-percent tax sa kalahati o ½ ng gross remittances ng mga e-marketplace operators at digital financial services providers para sa mga goods o services na naibebenta at nababayaran sa pamamagitan ng kanilang platform.


Sa ilalim ng mga regulasyon ng BIR, ang mga sumusunod na sellers o merchants na exempted sa withholding tax ay kung ang annual total gross remittances ng online seller o merchant sa nagdaang taxable year ay hindi lumampas ng P500,000.


Pangalawa, kung ang cumulative gross remittances ng online seller o merchant sa taxable year ay hindi pa umabot ng P500,000. Panghuli, kung ang seller o merchant ay duly exempt o napapailalim mula sa lower income tax rate alinsunod sa anumang umiiral na batas o kasunduan.


Paalala naman ni Lumagui, para sa mga lampas sa threshold na P500,000 annual gross remittance, makatarungan lamang na sila ay isailalim sa withholding tax. Kailangan nating maging patas sa retail sector at brick at mortar stores na regular na nagbabayad ng kanilang mga buwis. Kung mayroong negosyo, kailangang magparehistro at magbayad ng mga buwis. Hindi mahalaga kung ito ay isang actual store o isang online store. Responsibilidad nating magbayad ng buwis tulad ng iba.


Inatasan na rin ng opisyal ang lahat ng tauhan sa BIR na bigyang kaalaman at asistihan ang mga online sellers at online platforms hinggil sa kanilang tax obligations.


Mainam ang ginawang ito ng gobyerno sa ating mga small-scale online sellers dahil exempted na sila sa kailangang bayarang withholding tax.


Tama lang na binibigyang simpatiya nila ang mga masisipag nating maliliit na negosyante na nagbibigay ng iba’t ibang produkto at serbisyo sa taumbayan.


Malaking tulong ito sa kanilang negosyo dahil malaki rin ang maibabawas nito sa dapat nilang bayaran habang maidadagdag pa nila ito sa kanilang puhunan.


Sa may mga malalaking negosyo, dapat lang sigurong magbayad tayo ng nararapat na tax sa gobyerno dahil obligasyon nating sumunod sa ipinatutupad na pagbubuwis.


Gayundin, gawin nating magbayad ng buwis at huwag balewalain para hindi makasuhan at maparusahan.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page