top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Good news, puwede na sa mga seniors ang Sinovac; ang bad news, paubos na ang bakuna

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 8, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 08, 2021



SI ERAP NA NAGKA-COVID, KINUMUSTA NI P-DUTERTE, PERO ANG ORDINARY CITIZEN NA SA KOTSE LANG NAGPAPAGAMOT, DINEDMA—Ibinida ng mag-utol na ex-Senators JV Ejercito at Jinggoy Estrada na tinawagan sila ni P-Duterte at kinukumusta ang kalagayan ng kanilang ama na si ex-President, former Manila Mayor Joseph Estrada na nagpapagamot ngayon sa ospital dahil sa COVID-19.


Mabuti pa ang kalagayan ni Erap na nasa ospital ay kinukumusta ni P-Duterte, pero ‘yung nag-viral sa social media na pasyenteng may COVID din na sa loob lang ng kotse kinabitan ng oxygen at dextrose dahil hindi ma-admit dahil puno na ang mga ospital ay dinedma lang ng pangulo, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


KUNG KAILAN PAUBOS NA SAKA LANG INAPRUB NA PUWEDE NA SA SENIOR CITIZENS ANG SINOVAC—Inirekomenda na ng Vaccine Development Experts Panel sa FDA (Food and Drugs Administration) na puwede nang gamitin o ipanturok ang made-in China na Sinovac vaccines sa mga senior citizens.


Good news! Pero ang bad news, paubos na ang bakunang Sinovac sa bansa at hindi pa alam kung kailan darating na in-order na bakuna sa China, saklap!


◘◘◘


MAY NAGPATAHIMIK KAYA KAY LORENZANA SA ISYUNG WPS?—Matapos magpakita nang tapang si Defense Sec, Delfin Lorenzana nang sabihan ang China na paalisin na nito ang kanilang mga barko sa Julian Felipe Reef na teritoryo ng Pilipinas, nanahimik na sa isyu ang defense secretary, at pagkaraan ay inanunsiyong nagka-COVID-19 siya.


Totoo nga kayang nagka-virus si Lorenzana o may nagpapatahimik lang sa kanya? Boom!


◘◘◘


INUTIL ANG GOBYERNO SA LABAN KONTRA COVID-19 PARA KAY DILG USEC. DENSING?—Dumistansiya ang Department of Interior and Local Government sa sinabi ni DILG Usec. Epimaco Densing III na hindi inaasahan ng gobyerno ang pagdami ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, at ang tanging bakuna na lang ang solusyon sa pananasala ngayon ng COVID-19 sa bansa, na ayon kay DILG spokesman Jonathan Malaya ay sariling opinyon lang ito ni Densing at hindi ng buong kagawaran.


Didistansiya talaga si Malaya at iba pang opisyal ng DILG kasi baka malintikan sila kay P-Duterte dahil sa tema nang sinabi ni Densing ay parang sinabi nitong inutil ang Duterte gov’t. kaya hindi na-detect na darami ang magkaka-COVID-19 at asa na lang ang pamahalaan sa bakuna sa pagsugpo sa COVID-19, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page