top of page
Pokwang.jpg

Good news! Clinical trials ng bakuna kontra COVID-19, oks ang resulta!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 15, 2020
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | November 15, 2020



Marami ang nagalak matapos ianunsiyo ng Pfizer at BioNTech na maganda ang naging resulta ng clinical trials ng kanilang bakuna laban sa COVID-19.

Ayon sa kumpanya, more than 90 percent effective ang kanilang bakuna.

Magandang balita ito para sa ating lahat na dumaranas ng matinding epekto ng pandemya.

☻☻☻

Ngunit, ayon sa mga eksperto, marami pang pagdadaanang pagsusuri ang mga vaccine bago ito mailabas sa merkado.

Kasama na ang pagsusuri tungkol sa kaligtasan nito, lalo na pagdating sa mga inaasahan o hindi inaasahang side effects.

Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), kailangan munang dumaan sa pag-aaral ang anumang bakuna bago aprubahan, lalo na kung hindi ginawa sa ating bansa ang clinical trials.

Dadaan pa raw sa vaccine expert panel ang datos upang maberipika ang kaukulang datos tungkol sa vaccine.

☻☻☻

Mayroon din naman tayong magagawa habang hinihintay ang pagdating ng bakuna laban sa COVID-19.

Ito ay ang regular na paghuhugas ng mga kamay gamit ang tubig at sabon o pagdi-disinfect gamit ang 70% percent alcohol, paggamit ng face mask at shield at pagpapanatili ng physical distancing.

Gayundin, ang epektibong contract tracing, pati na ang isolation and management protocols.


Malaki ang magagawa ng mga ito upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

☻☻☻

Ngayong panahon na La Niña, maaari nating kolektahin ang ulan upang magamit ito sa ibang bagay at maiwasan na rin ang pagbaha.

Naghain tayo ng Senate Bill no. 1351, o ang Rainwater Harvesting Facility Act, na naglalayong i-promote, i-regulate at ma-sustain ang paggamit ng mga natural na yaman ng bansa tulad ng tubig-ulan.

Kung magagamit nang maayos, ito ay makatutulong sa bumababang lebel ng ating mga dam at maibsan na rin ang epekto ng baha.

☻☻☻

Sakaling maging batas, inaatasan nito ang pagkakaroon ng rainwater harvesting system sa lahat ng barangay sa Metro Manila at iba pang pangunahing lungsod sa ating bansa.

Maaaring magamit ang mga lumang drum bilang mga storage tank. Kailangan ding gumamit ng teknolohiya upang ma-filter at masigurong ligtas na inumin ang mga naimbak na tubig. Kailangan ding siguruhing hindi pamumugaran ng lamok at iba pang insekto.

Maaari rin itong gamitin upang ipangdilig sa mga halaman, o kaya’y panlinis ng mga kalsada, o standby source ng tubig na magagamit na pamatay sunog.

☻☻☻

Nakikiramay tayo sa ating mga kababayang nasalanta ng mga nagdaang bagyo, na nagdulot ng pinsala sa libu-libong tao at pagkawasak ng mga ari-arian. Parating na ang tulong mula sa ating opisina.

☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page