top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Gomper Girl, nakita ang husay sa Turf

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 6, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 6, 2023


Nasilayan ang mahusay na pagremate ni Gomper Girl nang manalo sa Condition Race na inilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas, kahapon.


Lumabas na pang-anim na puwesto si Gomper Girl sa largahan habang nagtatagisan ng bilis sa unahan sina Goldsmith at Stayinthemoment.


Pero papasok sa huling kurbada ay nakalapit na si Gomper Girl kina Stayinthemoent at pagsapit ng huling 100 metro ng laban sa rektahan ay inagaw na ng winning horse ang unahan.


Tinawid ni Gomper Girl ang meta ng may isang kabayo ang agwat sa pumangalawang Stayinthemoment sapat upang hamigin ang P10,000 added prize para sa winning horse owner na si GR Gaerlan.


Ginabayan ni jockey JD Flores, inirehistro ni Gomper Girl ang tiyempong 1:25 minuto sa 1,400 meter race, tumersero si Dragon Butterfly habang pumang-apat si Goldsmith.


May 10 races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) lahat ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Samantala, nagwagi si Grand Majesty noong Sabado sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na inilarga sa parehong pista.


Nakapanood ng magandang bakbakan ang mga karerista sa rektahan at sa huling isang daang metro ng laban ay umungos mula sa labas si Grand Majesty.


Isang kabayo ang lamang ni Grand Majesty sa pumangalawang si Distorted Julliane.


Nakapagtala ng tiyempong 1:29 minuto sa ,1400 meter race ang anak nina Brigand at Hard Hearted Lady na si Grand Majesty, tersero si Tenacity habang pumang-apat si Frizmatic.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page