top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Gomezian, pakay ang 4-YO Sprint Race Title

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | August 17, 2023


Target ng connections ni Gomezian na masilo ang titulo sa 2023 PHILRACOM "4-Year-Old & Above Sprint Race" na ilalarga sa Agosto 20 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.


Maliban kay Gomezian, nagsaad din ng pagsali sa nasabing karera ang mga tigasing sina Gusto Mucho, Attractive Force, Bravo at Life Gets Better.


Rerendahan ni class A rider O'Neal Cortez si Gomezian para makipagtagisan ng bilis sa iba pang naghayag ng paglahok sa karerang nakalaan ang P1.5-M guaranteed prize.


Ang iba pang nominado ay sina Agi Daw, Ambisioso, Asiong, Main Event, Palauig, Stardust at Weather Lang.


May distansiyang 1,000 meter race, hahamigin ng unang kabayong tatawid sa meta ang P900,000, mapupunta sa second placer ang P300,000 habang tig-P150,000, P75,000, P45,000 at P30,000 ang third hanggang fourth ayon sa pagkakasunod.


Ayon sa komento ng mga karerista sa social media, posibleng tangkilikin ng mga karerista ang mga kalahok na Gomezian, Gusto Mucho at Attractive Force.


"Mahirap na karera, mahirap mamili lalo na at maraming dehadong nananalo ngayon sa stakes race," ani Victor Gil, veteran karerista.


Magbubulsa rin ang breeder ng winning horse ng P75,000 habang tig-P45,000 at P30,000.


Samantala, may mga malalaking stakes races pa ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong buwan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page