top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Gomezian, mahusay sa Race Merged

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 23, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 23, 2023


Nakitaan ng husay si Gomezian matapos magwagi sa Condition Race Merged na nilarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas noong Linggo ng hapon.


Hindi nagpaiwan sa largahan si Gomezian at sinundan lang muna nito ang matulin na si Gusto Mucho pero pagdating ng backstretch ay kinapitan na agad ito ng una.


Naka-puwesto naman sa tersero si Charm Campaign at pang-apat si Runawayfromrosenot.


Mahigpit na bakbakan hanggang sa pagsapit ng home stretch sina Gomezian at Gusto Mucho pero pagdating ng rektahan ay umungos na ang winning horse.


Bahagyang nagbigay ng magandang laban si Bombay Nights pero nanatili pa rin ang tikas ni Gomezian at nanalo ito ng may kalahating kabayo ang agwat.


Nirendahan ni class A rider O'Neal Cortez, inilista ni Gomezian ang tiyempong 1:39.6 sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si AP Santos ang P10,000 added prize sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Dumating na segundo si Bombay Nights habang tersero at pang-apat sina Charm Campaign at Gusto Mucho ayon sa pagkakasunod.


Samantala, hinahanda si Gomezian sa malaking karera kaya tiyak na aabangan ito ng kanyang mga tagahanga.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page