top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Gomezian, babanat

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 27, 2021
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | November 27, 2021



Puntirya ni Gomezian na sumikwat ng panibagong titulo pagsalang sa 2021 PHILRACOM "3rd Leg Juvenile Stakes Race na ilalarga ngayong araw ng Sabado sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Anak nina Sakima out at Hot Yoga, nasilo ng chestnut filly, Gomezian ang panalo sa first leg pero sa second leg ay nabigo siya kay Radio Bell.


Apat ang kalahok sa event na may distansyang 1,600 meter race, makakalaban ni Gomezian sina Roaring Kanyon, Bocaue Rivertown at Basheirrou.


Hindi kasali si Radio Bell kaya walang paghihiganti ang magaganap sa karera na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Ayon sa mga karerista, mas maganda sana kung kasali si Radio Bell pero tinitiyak naman nila na magandang laban ang kanilang masisilayan dahil mga tigasing kabayo rin ang mga makakalaban ni Gomezian.


"Magandang laban pa rin 'yan, malaki rin ang tsansang manalo ni Basheirrou," saad ni Rolly Martirez, karerista.


Rerendahan ni class A rider OP Cortez, target ni Gomezian na makopo ang premyong P600,000, may kukubrahin ang second placer na P225,000 habang tig-P125,000 at P50,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.


Maliban sa nasabing stakes race, paniguradong aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng anim na kabayo sa Condition Race (20) na pakakawalan sa pang-anim na karera.


Inaasahang liyamado sa laban si Easy Landing na gagabayan ni star jockey Jeffril Zarate habang posibleng maging mahigpit niyang karibal sina Tool Of Choice at Noble Run.


May distansyang 1,200 meter race, ang ibang kasali ay sina Headmastership, Boss Nova, Lakan Takhan at It's A Deal.


Ilalarga rin sa race 8 ang 3-Year-Old Maiden Race na lalahukan ng pitong bagitong kabayo.


Samantala, siyam na balanseng karera ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa kanilang pangangarera.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page