Gomezian at Radio Bell, nakikitang bibida sa 3-YO
- BULGAR
- Nov 6, 2022
- 2 min read
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |November 6, 2022
Sina Gomezian at Radio Bell ang nakikita ng mga karera tipsters na magdodomina sa bentahan sa magaganap na 2022 PHILRACOM 3-Year-Old Locally Bred Grand Derby na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.
Ito'y dahil maganda ang ipinakitang takbo nina Gomezian at Radio Bell sa kanilang huling takbo.
Pabor ang mga tipsters sa programa ng karera sina Gomezian at Radio Bell kaya naniniwala ang ibang karerista na sila ang magiging liyamado sa laban. Makakalaban nina Gomezian at Radio Bell si Triple Crown winner Basheirrou sa distansiyang 1,600 meter race.
Ang ibang tigasing kabayo na makikipagtagisan ng bilis kina Basheirrou, Gomezian at Radio Bell ay sina Don Julio, Charm Campaign at Jungkook.
Nakalaan ang P3-M garantisadong premyo na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta kung saan kukubrahin ng mananalong kabayo ang P1.8M premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Hahamigin ng pangalawang kabayong darating sa finish line ang P675,000 habang tig-P375,000 at P150,000 ang 3rd at 4th placers ayon sa pagkakasunod.
Samantala, inaasahang magandang laban din ang masisilayan ng mga karerista sa PHILRACOM CUP na sasalihan ni Super Swerte, may distansiya itong 1,600 meter race.
Makakalaban ni Super Swerte sina War Cannon, Work Bell, Pangalusian Island, King Tiger, All To Easy at Ambisioso.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Alalum Falls (3)
Race 2 - Big Hook (8), Noh Sen Young Yana (6)
Race 3 - Basheirrou (1), Gomezian (6)
Race 4 - Super Swerte (2)
Race 5 - Grand Monarch (1)
Race 6 - Manila Boy (4), Barayong (5)
Race 7 - La Trouppei/Istulen Ola (1/1A), Secretary (2)
Race 8 - Namaskar (2), Caraga Wonder (7)
Race 9 - Mama Rocks (3)
Race 10 - Heritage (6), Cinderella King (9)
Race 11 - Mark Of Excellence (2), Wish Afan A Stars(5)
Race 12 - Walking On Sunshine (11), Luke Skywalker (12)





Comments