top of page

Gomez, silver sa shotgun, Messi, tinalo ng Saudi

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 25, 2022
  • 2 min read

ni MC - @Sports | November 25, 2022



ree

Nasungkit ni athlete-actor Richard Gomez ang silver medal sa 4th FITASC (Fédération Internationale de Tir aux Armes Sportives de Chasse) Asian Sporting Championships (senior category) na ginanap sa Photaram, Thailand, noong Nobyembre 16 at 17.


Nakuha rin ng mambabatas ang ika-4 na puwesto sa Asian Senior Sporting Championship para sa Sporting Clay. “Salamat Panginoon sa tagumpay! Nanalo ako ng 2nd place para sa Asian Senior Champion para sa Compak Championship at ika-4 na pwesto para sa Asian Senior Sporting Champion para sa Sporting Clay. Mabuhay ang Pilipinas!” ani Gomez sa kanyang social media page.


“Ako ay lubos na nagpapasalamat sa aking mga kaibigan, pamilya, Juliana at sa aking asawang si Lucy sa pagiging very supportive sa mga bagay na kinagigiliwan kong gawin tulad ng shotgun sports,” sabi rin ni Gomez.


ree

Ang sporting clay ay isang bagong mabilis na lumalagong isport sa Pilipinas na kinabibilangan ng pagbaril ng mga lumilipad na clay target gamit ang isang shotgun. Si Gomez, na isang kilalang sharpshooter ay ang organizer ng Sporting Clays Association of the Philippines.


Nakuha ni Gomez ang pangalawang puwesto sa Senior Category matapos niyang talunin ang kanyang French na kalaban na si Philippe Delbos, ng isang puntos sa sudden-death round. May kabuuang 97 katunggali mula sa 22 bansa ang lumahok sa kompetisyon sa pagbaril.


Samantala, gumawa ang Saudi Arabia ng isa sa mga pinakamalaking upset sa kasaysayan ng World Cup ngayon Martes matapos talunin ang Argentina na pinangungunahan ni Lionel Messi 2-1 sa isang kahanga-hangang laban sa Group C.


Inaasahan ng marami na ang koponan ng Timog Amerika, na nasa ikatlo sa mundo, na walang talo sa loob ng tatlong taon at kabilang sa mga paborito na manalo sa torneo, ay wawalisin ang kalaban nito na ranked 48 sa mundo.

ree

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page