GOMA, SINOPLA NG NETIZEN SA HIRIT NA LIMITAHAN ANG K-DRAMA
ni Nitz Miralles - @Bida | October 22, 2022

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang nabanggit ni Senator Jinggoy Estrada na kino-consider niyang i-propose ang pagba-ban sa mga Korean telenovelas sa bansa at sa halip, i-promote ang Filipino-made shows.
Ang daming celebrities at politicians ang nag-react at laging may sagot ang mga fans sa mga pahayag ng mga pulitiko.
Isa sa mga nagbigay ng pahayag ay si Rep. Richard Gomez na hindi pa rin nagustuhan ng mga netizens.
Sabi ni Goma, “Siguro, sa akin, i-limit na lang ang palabas, give more time on local shows, mahirap kasing mag-ban, mawawalan ng freedom of choice ang mga tao. So maybe, limit ang international shows.”
Sagot ng isang netizen na siguradong puro K-dramas at baka may Lakorn (from Thailand) at series from Taiwan ang pinapanood, “Bakit lilimitahan, kayo ba ang magbabayad ng kuryente?”
Sabi sa inyo, laging may sagot ang mga netizens sa bawat hirit ng mga pulitiko at talagang hindi papayag ang mga adik sa K-dramas sa panukalang ito.





Comments